Kabanata Seven
Her POV
Flashback
Pikit matang tinawagan ko sya kanina at ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon, alam nyang nawawala na ko ngayon dahil nakarating na sa kanya ang balitang umalis ako at lahat daw sila hinahanap na ko ngayon. Alam kong kailangan kong hingan ng tulong tong taong kaharap ko ngayon na seryosong nakatingin sakin, sya lang ang alam kong makakatulong sakin dahil sa impluwensya nya. Alam ko din naman kasi na hindi namin kakayanin to ni Kuya Jace na mag isa kaya kailangan ko ang tulong nya. Tinawagan ko sya kagabi pag katapos namin mag usap ni Kuya dahil sya at si Kuya Jace lang ang makakatulong sakin at mas mapapadali nya ang lahat ng damit gawin namin para makaalis ako dito. He can do everything he wants without being suspected by everyone; he is the right person for this. “Seryoso ka ba talaga sa gagawin mo na to Belle?” tanong nya sakin at seryoso akong tiningnan kaya sumagot ako “I need to do this” sagot ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at nagsalita si Kuya Jace "Okay guys for legal matters ako na ang bahala pero I really need to hide this kila tito and tita, hindi nila pwedeng malaman na gagawin ko to kaya kailangan maitago to” sabi ni Kuya Jace sa kanya kaya tumango sya “I know what to do” sabi nya samin “Pasensya na kung madadamay ka dito sa kagustuhan kong lumayo sa lahat” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin kaya tumingin ako kay Kuya Jace “I’m really sorry kuya Jace” sabi ko sa kanya "Okay lang Belle pero alam kong pag nalaman to ng kapatid mo at ni Tito makakatikim ako ng sapak sa dalawa na yon dahil itinago kita at kinunsinting umalis isama mo pang may sakit ka” sabi sakin ni Kuya Jace "Sorry talaga Kuya" sabi ko sa kanya kaya hinaplos nya ang buhok ko "Stop saying sorry" Sabi ni kuya saka sya humarap sa taong makakatulong samin. "Willing ka bang gawin to?" tanong nya dito “Yes after all, Belle is like a sister to me kaya okay lang pero hindi ganon kadali tong gagawin natin sa lalo na ang gusto ni Belle kaya may tinawagan akong isang tao na mas makakatulong satin kung gusto natin mapadali ang lahat” sabi nya kaya napatayo si Kuya Jace "Wala sa usapan natin to!" Inis na sabi ni Kuya Jace sa kanya "We don't have a choice" sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Alam mo naman na dapat walang maka alam kung asaan si Belle diba pero bakit gumagawa ka agad ng bagay na hindi mo sinasabi samin! Alam mong pag may nakaalam na andito si Belle lahat tayo malalagot” sabi ni Kuya Jace sa kanya at naiintindihan ko sya kung bakit sya ganyan makareact. "Kuya calm down!" sabi ko sa kanya kaya huminga sya ng malalim "Alam ko naman pero kailangan natin sya kung gusto nyong mangyari itong plano na to! Pareparehas tayong walang choice kaya wala tayong magagawa! Ang kaya ko lang gawin ay itago kayo sa lahat at iligaw sila sa pag hahanap sayo Belle pero ung iba hindi ko na kaya dahil alam na alam nyong na hindi madali para sakin na gawin to kahit na hindi nila ko paghihinalaan pero isang maling galaw ko lang maghihinala na si Jd sakin” sabi nya kaya napatango ako “Naiintindihihan namin yon pero sana sinabihan mo kami na may balak kang idamay na ibang tao sa plano na to” sabi ni Kuya Jace sa kanya “Wag kayong mag alala dahil walang makakaisip na hihingan ko ng tulong ang tao na yon at kahit pa na sya ang unang paghihinalaan ako na ang gagawa ng paraan sa iba pa” sabi nya sakin kaya parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nya. Hindi nagtagal may nag doorbell kaya napatayo ako “Mukang andyan na sya” sabi ni nya kaya tumingin kami sa pinto ng bumukas yon "What do we have here?" tanong nya pagkapasok nya at sinara agad ang pinto "Rogi!" sambit ko at lumapit sa kanya saka sya niyakap “Good to see that you’re okay” sabi nya sakin at humiwalay ako sa yakap ko sa kanya “I’m good” sabi ko sa kanya “Pero silang iniwan mo hindi, nababaliw na sila kakahanap sayo pero eto ka lang pala ang lapit lang sa kanila at sila ang kasama mo” sabi sakin ni Rogi at tumingin kila Kuya Jace "Hey Rogi tama na yang sermon mo kay Belle andito tayo para tulungan syang makaalis” sabi nya sa kay Rogi "Wow coming from you! Hindi mo ba naisip na madaming mag sa suffer sa gustong gawin ni Belle na to at kayo pa talaga ang kumukunsinti sa gusto nyang mangyari” sabi ni Rogi sa kanila at umiling "Rogi kailangan ko to!" sabi ko sa kanya "Bakit Belle? Anong dahilan mo? Bakit kailangan mong umalis? Diba sinabi ko sayo na tutulungan ka namin na handa kaming tulungan ka pero ano tong gusto mong gawin? Ang umalis lang kahit lahat kami handang tulungan ka, ganun lang kadali sayong iwan kaming lahat. Belle halos lahat ng tao na mahalaga sayo nasasaktan sa ginagawa mo! Hindi ka nag iisip! Sa tingin mo ba sa ginagawa mo na yan maayos ang lahat sa pag alis mo?” galit na tanong nya sakin kaya napaupo na lang ako “Wala kang karapatan na sigawan tong pinsan ko! Intindihin na lang natin sya dahil eto ang gusto nyang mangyari dahil may dahilan sya” sabi ni Kuya Jace kay Rogi kaya napailing ulit si Rogi “Kuya Jace naman bakit mo kinukunsinti tong si Belle? Alam mong mali to” sabi ni Rogi kay Kuya kaya pinigilan ko sya "Please Rogi tama na!"sabi ko sa kanya "Rogi pwede ba andito tayo para kay Belle at nag usap na tayo kanina tungkol dito” sabi nya kay Rogi "I just don't f*****g understand your point Belle” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako "Please Rogi tulungan mo na lang kami! Nakikiusap ako sayo please lang kailangan ko to, dadating ung panahon na babalik din ako sa inyong lahat pero sa ngayon ito lang muna ang kailangan ko please Rogi kaya please help us” sabi ko sa kanya at lumuhod sa harap nila para lang tulungan nila ko sa gusto kong mangyari "Belle stand up!" sabi ni Kuya pero umiling ako sa kanya, kung kailangan kong gawin to gagawin ko para lang tulungan nila ko. Lumapit sakin si Rogi at itinayo ako "Tutulong ako pero mangako ka na babalik ka samin!” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at bumuhos ang mga luha ko. "Thank you Rogi, thank you" sabi ko sa kanya "Don't thank me Belle dahil gagawin ko lang to dahil nangako kang babalik ka” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya "We need to process her paper asa soon as possible para makaalis na sya agad within six months!" sabi ni Kuya Jace sa kanila "Ang tagal naman Kuya!" sabi ko sa kanya "Belle wala kang magagawa! Yon na ang pinakamabilis na magagawa ko dahil sobrang dami nating aayusin!" sabi nya sakin kaua natapatango na lang ako "Ako na bahala sa pag babago ng pangalan mo! Rogi will be the one who will handle everything na tungkol sa pag alis mo ng Bansa!" sabi pa sakin ni Kuya “And I will be the one who will make you hidden until I can!" sabi sakin ni Kuya Dan kaya tumango ako sa kanya “Thank you for doing this” sabi ko sa kanya "Don't worry gagawin namin ang lahat para hindi ka nila makita!" Sabi ni Rogi sakin kaya ngumiti ako sa kanya "I need to go” sabi ni Kuya Dan samin "Me too" Sabi naman ni Kuya Jace "By the way! Rogi ikaw muna ang bahala sa kanya. Ibinalita na ni Mark sa lahat na nawawala si Belle at mag sisimula ng kumilos ang mga pinsan namin pati na si Mark para hanapin sya. Walang nakaka alam na andito na ko sa Pilipinas kaya kailangan kong magtago muna dahil baka makita nila ko! Babalik ako ng Singapore bukas at don ko gagawin ang ibang kailangan kaya ikaw muna ang bahala kay Belle” sabi ni Kuya Jace kay Rogi "Okay ako na ang bahala sa kanya" sagot ni Rogi kay Kuya at umalis na silang dalawa. Kuya Dan is the person I called yesterday, dahil alam kong matutulungan nya kami. Alam nya kung paanong makipag-deal sa lolo nil ani Jd at lalo na kays Jd saka hindi nila maiisip na si Kuya Dan ang hihingan ko ng tulong dahil may sarili ding problema si Kuya Dan at si Ate Devlin idagdag pa na maiisip nilang malalaman naman ni ate Devlin kung manghihingi ako ng tulong at sasabihin agad sa kanila yon. Tiningnan ko si Rogi at nakatingin din sya sakin “Belle kung iniisip mo na may pinagsabihan ako wag kang mag alala walang nakaka alam na may alam ako! Itatago ka namin kahit anong mangyari kahit sa anong paraan!” sabi nya sakin “Thank you!” sabi ko sa kanya “Alam kong hindi naman na mag babago ang isip mo! Kaya hahayaan na muna kita" sabi nya sakin “Salamat talaga Rogi dahil ginagawa mo to para sakin” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin. Nagkatinginan kaming dalawa ng biglang nag ring ang cellphone nya, nag aalangan pa syang sagutin yon pero sinagot din nya sa harap ko "Hello JD" sabi nya na ikinalaki ng mata ko at napasinghap ako. Si Jd ang tumawag sa kanya. Tiningnan ko si Rogi at sinabihan nya lang akong tumahimik kaya tumango ako sa kanya "Wala akong alam, hindi ko sya macontact! Disconnected na ung sim card nya at kahit ung cellphone nya hindi ko na malocate, maybe she throws it” sabi nya kay Jd at nakatingin lang sakin, ako ang pinag-uusapan nilang dalawa. "Then ask Mark! Okay Sige! Ako na bahala! Sabihin mo kay Mark na ako na gagawa non, hanapin na nyo na lang.” sabi nya kay Jd at sandali syang natahimik saka nagsalita ulit “Hindi madali ung pinapagawa nyo! Saka paano natin mahahanap ang taong ayaw naman mag pakita pa sa kahit na sino satin!” sabi nya at hindi nya talaga inaalis ang tingin sakin, tama sya sa sinabi nya kanina na hindi nga titigil sila Jd makita lang ako "Bakit sa tingin mo mag papakita sya? Huh? Hindi mag papakita ung taong nasaktan ng sobra JD! Wag mo kong pag dudahan na may alam ako kung asaan sya dahil alam nyong hindi ko sya gustong umalis at hindi ako tanga para itago sya kila tita, Oo na! sige pupunta ko dyan mamaya tatapusin ko lang tong pinapagawa nyo” sabi nya at ibinaba ang tawag. "Nadamay ka pa dahil sakin" sabi ko sa kanya "Belle lahat naman damay eh! Wag ka ng mag mukmok dyan! Hindi ka pwedeng ma stress! Kami na bahala sa mga sarili namin dahil pumayag kaming mainvolve sa plano mo kaya handa kaming harapin kung ano ang consequences nito!" sabi nya saka tumayo "Aalis na ko dahil baka mainip sila at malaman kung asaan ako, isa ako sa taong pagdududahan nila lalo n ani Jd dahil alam nyang malapit ako sayo. Ako ang unang suspect nila kaya kailangan kong mag ingat! At nga pala wag mong gagamitin ang mga cards mo at cellphone mo kung ayaw mong mahanap ka nila. Hindi ko sila pwedeng iligaw sa bagay na yan kahit ako ang gagawa. Don't call me! Ako bahala sayo next week ituturo ko tong bahay na to! Kaya bago yon lilipat ka ng lugar, hindi pwedeng wala akong lead na masasabi sa kanila” sabi nya sakin kaya tumango ako “Naiintindihan ko Rogi, hindi na nila ko makikita dahil itinapon ko na ang cellphone ko, ang gamit ko lang ay ung ibinigay ni Kuya Jace sakin” sabi ko sa kanya “Okay, wag na wag kang aalis ng hindi ko alam Belle, babalik ako dito sa isang araw para ilipat ka ng lugar” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya. Pagkaalis ni Rogi umakyat na ko sa taas at pumasok sa kwarto ko para magpahinga. Hindi biro tong gagawin namin na to sa loob ng anim na buwan at sana lang magawa ko to ng maayos kasi ayokong masayang lahat ng paghihirapan namin.
After 2 months
Going smooth lahat ng plano namin sa lumipas na dalawang buwan na pagtatago ko, malapit ng mataopos ni kuya Jace ang ilang papeles ko para makaalis ako, asa Makati ako ngayon nakatira at patuloy pa din sila sa pag hahanap sakin sa ni Rogi, halos maikot na nga daw nila ang pwede kong pagtaguan pero hindi nila ko makita at salamat yon kay kuya Dan. Nag aalala naman ako sa kanila lalo na sa mga magulang ko, ilang buwan ko nga lang sila na kasama tapos mawawala na naman ako sa kanila. Masakit pero kailangan ko tong gawin, tulad ngayon nakatanaw ako sa Labas ng bahay namin kung saan andon silang lahat na para bang may meeting na nagaganap at tanging si Rogi lang ang kulang dahil alam nila na asa Cebu si Rogi dahil sa business meeting nya don pero dahilan nya lang yon para hindi sila maghinala sa kanya, kasama ko ngayon si Rogi "Ginusto mo to! Kaya panindigan mo Belle maging malakas ka!" Sabi nya sakin "Alam ko Rogi, hindi eto ang tamang panahon para magpakita ako sa kanila kahit nadudurog ang puso ko na makitang umiiyak si Mommy” sabi ko sa kanya "Buti alam mo Belle dahil mahihirapan tayo kung lalapit ka sa kanila ngayon dahil hindi ka nila papakawalan. Ginagawa lahat ni Kuya Dan ang makakaya nya para ilihis ang lokasyon mo at minamanipula din nya ang mga private investigator na kinuha ni Jd para lang mahanap ka kaya bigo sila na makita ka. Lilipat ka nga pala ulit ng bahay sa Nueva Ecija. Malapit na nilang mahanap ung tinitirhan mo sa makati. Pag dating mo sa Nueva Ecija hindi ka na nila mahahanap don. Gagalaw na kami para mag block lahat ng impormasyon tungkol sayo para hindi ka na masyadong mahirapan sa pag alis ng lugar, malapit naman ng matapos ni kuya Jace lahat ng kailangan mo at makakaalis ka na ng bansa para sa pagpapagamot mo” sabi nya sakin kaya tumango ako "Salamat Rogi, ang importante sakin ngayon ay makita silang malaya at masaya na wala na ko sa mga buhay nila. Kung pwede nyo ngang palabasin na namatay na lang ako para hindi na ganito” sabi ko sa kaya kaya umiling sya “Hindi ako magiging masaya lalo na sila na mawawala ka Belle” sabi nya sakin "Ito na ang huling araw na makikita ko silang lahat!" malungkot na sabi ko sa kanya dahil pag punta ko sa Nueva Ecija hindi na ko tatangap ng impormasyon tungkol sa kanila hanggang sa umalis ako, wala na kong balak na malaman ang lahat pag alis ko. "Nga pala malapit ng matapos lahat ng requirements mo kailangan mo din palang mag pa check-up next month para sigurado tayo sa pag-alis mo at hindi magkaroon ng aberya” sabu nya sakin kaya tumango ako "Sige" sabi ko sa kanya at tiningnan sila Mommy. Pagnakikita ko si mommy gusto kong umiyak. May hawak sya na picture tapos yakap-yakap nya yon asa likod nya si daddy. Alam Kong picture ko yon, miss na miss ko na sila kahit sa sandaling panahon na nagkasama kami ramdam ko na sobrang mahal nila ko."Gusto mong lumapit?" tanong sakin ni Rogi kaya pinunasan ko ang luha ko "Baka makita nila ko!" sabi ko sa kanya "Ako bahala" sabi nya saka bumaba. Sumunod naman ako sa kanya, nag suot ako ng cap and sunglasses para di ako masyadong makilala. Ang lapit ko na sa kanila pero hindi ko naman sila malapitan "Hello! May lead na ba kayo?" tanong ni Kuya sa kausap nya sa phone "Gawin nyo lahat!” sigaw nya at ibinaba ang tawag saka lumapit kila mommy "Anak wala pa din ba?" tanong ni Mommy sa kanya "Mom wala pa din pero sure akong mahahanap natin sya. Madami tayong nag hahanap sa kanya kaya makikita natin sya” sabi nya kay Mommy. "Paano kung ano na mangyari sa kapatid mo? Alam mo naman na may sakit sya diba? Paano kung nahihirapan sya? Anak!" Umiiyak na tanong ni mommy kay kuya kaya hindi ko na din mapigilan na umiyak "Hon tama na, malakas ung anak natin na yon at magtiwala tayo na asa maayos syang kalagayan at makikita agad natin sya” sabi ni Daddy kay mommy "Saka tita wag po kayong mag alala hahanapin po namin sya!" Sabi naman ni Max. Buti na lang andyan sila para sa mga magulang ko."Belle tara na!" sabi ni Rogi sakin "Teka lang Rogi, mauna ka na sa kotse may iiwan lang ako sa harap ng gate” sabi ko sa kanya “Belle delikado” sabi nya sakin “Sandali lang ako, intayin mo na ko don at paandarin mo na para makaalis tayo” sabi ko sa kanya kaya tumango sya. Mag iiwan ako ng sulat para sa kanila. Kahit man lang to magawa ko para sa kanila, hinulog ko sa may mailbox ung sulat. Naglakad na ko palayo ng may tumawag sa pangalan ko kaya natigilan ako at nanlaki ang mata ko pero hindi ako lumingon "BELLE!" tawag nya sakin, s**t! Kilala ko kung sino yon kaya hindi ako lumingon at naglakad palayo "Belle!" Sigaw pa nya kaya tumakbo na ko at hinabol naman nya ko kaya kailangan ko syang iligaw at buti na lang nagawa ko naman, nagtago ako sa may puno para di nya ko makita at nakita ko syang palingap lingap sa paligid. Dumating naman sila Nathan at nilapitan sya "Jd sino hinahabol mo?" tanong ni Nathan sa kanya "Nakita ko si Belle! Sigurado kong sya yon at andito sya!" sabi ni Jd sa kanila kaya kailangan ko ng makaalis dito dahil hindi pwedeng magtagal pa ko "Baka naman namalikmata ka na naman?" sabi ni Max sa kanya "Sigurado na ko ngayon Max, kilala ko si Belle at sya yon!" sabi nya dito "Sige hahanapin namin sya!" sabi nila at naghiwahiwalay na sila, s**t! Kailangan kong makaalis agad. Mabilis akong tumakbo pabalik sa sasakyan ni Rogi "Puta Belle bat ka hingal na hingal?" tanong nya sakin pero hindi ako makasagot kasi hinihingal ako kaya inabutan nya ko ng tubig kaya ininom ko yon "Dadalin na kita ng ospital!" sabi nya sakin kaya umiling agada ko, hindi pwede dahil malalaman nila yon "Kailangan mo ng oxygen!" sabi nya sakin "MERON Sa bahay!" Sabi ko sa kanya at napakamot na lang sya ng ulo nya"Ang kulit! Bat ka ba kasi tumakbo?" tanong nya sakin kaya huminga ako ng malalim at nagsalita “Nakita ako ni Jd” sabi ko sa kanya "Ano?" gulat na tanong nya at kasabay non ang mabilis nyang magmamaneho para makalabas kami ng village "Hinahanap na nila ko ngayon!" sabi ko sa kanya "Buti naka labas pa tayo ng village bago nila maitimbre!" sabi nya sakin dahil nakaalis na kami agad "Umuwi na tayo!" sabi ko sa kanya dahil gusto ko ng mag pahinga."Sige" sabi nya sakin at dinala na nya ko sa bahay. After a few minutes nakauwi na kami, inalalayan nya ko papunta sa kwarto at tinawag ung nurse na kasama namin sa bahay. "Paki kabitan ng oxygen please!" sabi nya dito "Okay sir" sagot nya at nagsimula na syang lagyan ako ng hose, Pagkatapos nya sinabihan sya ni Rogi na lumabas muna ng kwarto."Kailangan kong tawagan sila para kaibalita alam kong sa ginawa mo na to sas mapapadali ang pag hahanap nila sayo dito!" sabi nya sakin at napailing “Sorry” sabi ko sa kanya "Magpahinga ka na lang muna dyan Belle” sabi nya sakin at may tianwagan na sya "Jd! Ano balita dyan?....... Ano?........ Naabutan nyo ba?........ Sige uuwi ako pag katapos na pagkatapos ko dito! Sila tita kamusta? Sige tatawag na lang ulit ako” sabi nya at ibinaba na ang tawag saka tumingin sakin "Ano Sabi?" tanong ko sa kanya “Nakita ka nga pero hindi ka na ulit nila mahanap” sagot nya sakin “Sila mommy?" tanong ko "Medyo nagkaroon ng chance sila tita para mahanap ka. Pero kailangan nating putulin ang chance na yon!" sabi nya sakin kaya tumango ako "Kailangan natin tawagan si Kuya" sabi ko sa kanya "Ako na bahala don saka mag uusap usap kaming tatlo mamaya. Hindi ka na pwedeng mag tagal sa bansa Belle” sabi nya sakin "Alam ko!" sagot ko sa kanya "Aalis muna ko” sabi nya sakin saka lumabas. Napakahirap ng sitwasyon ko pero kailangan ko tong gawin at panindigan dahil eto ang ginusto kong mangyari para sa sarili ko.