Kabanata Sixty – nine Krystal POV Umakyat ako sa taas at pinuntahan ko sa kwarto n’ya ang anak ko, nakasalubong ko ang nanny n’ya na pababa na ng hagdan. “How is she?” tanong ko sa nanny ni Jade. “Nakapagbihis na po s’ya at gusto daw po n’yang mapag-isa” sabi n’ya sakin. Kaya napabuntong hininga ako sa sinabi n’ya sakin. “Okay, just fix her things in the pool side” sabi ko sa kanya. Tumango s’ya sakin at tuluyan na kong umakyat para puntahan ang anak ko, I want to talk to her and explain everything to her. Ayokong saktan ang anak ko kaya ko to ginagawa pero hindi ko naman ako na sa ginagawa ko pala na to ay nasasaktan ko na s’ya. Kumatok ako bago ko pumasok sa kwarto n’ya. Lumingon s’ya sakin at pinunasan n’ya ang mga luha sa muka n’ya, “Leave me alone” sabi n’ya sakin.