Kabanata Nineteen Rogi POV Sa nangyari kagabi sa pagitan ni Tristan at Jd hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakaling magharap silang tatlo nina Belle, paniguradong malaking gulo yon dahil sa ipinapakitang ugali ni Jd ngayon, hindi na lang kasi si Krystal ang pag aawayan nila ngayon kung hindi pati na din si Belle kaya napailing na lang ako. Jd needs to open his heart and mind para maintindihan nya at matanggap nya na wala na sila ni Belle, ilang beses na naming sinasabi sa kanya yan pero sarado talaga ang isip nya para ipasok lahat ng sinasabi namin dahil hanggang ngayon hindi nya mataggap na iniwan na lang sya ni Belle at hindi nya magawang patawarin ang sarili nya sa kalokohang ginawa nya noon. “Where is Tristan?” tanong sakin ni Thunder at umupo sa tapat ko, andito kami ngayo