Kabanata 28 TAMA nga si Dusk. Lay low ang kalaban dahil nakarating sila nang walang aberya sa lugar na pagdarausan ng event. Nakakanerbyos lang sa panig nila dahil hindi nila kilala kung sino ang kalaban habang ang kalaban ay kilakang-kilala sila. Hindi nga ba? Si Falcon lang naman ang dapat na pagtuunan ng pansin dahil si Falcon lang naman ang nag-o-operate ng casino. Kaya lang ay magaling iyong magtago. Nasisiguro niya na may malaking alam ang lalaking iyon. Nakatitig siya sa mga dancers ay kung saan-saan naman rumarampa ang utak niya, at bigla niyang naalala ang date ni Dusk sa mag-amang Lustre. Sandali. Agad siyang napasulyap sa binatang nakatingin sa kanya. He has garlands. Nakaupo ito sa presidential table, kasama ang matataas na Engineers at iba pang bisita. Siya ay nasa ibang