Kabanata 30 ADDISON noticed the silence that had been consuming Dusk since his date with Rianna. Ilang araw na niya itong pinagmamasdan nang palihim, at halos hindi na nga sila magtagpo kahit na nasa iisang bahay sila, dahil masyado itong busy. Parati itong pumupunta sa tiyahin, bagay na naiintindihan niya dahil sa tumatakbo ito bilang isang kandidato. Alam niyang mas busy pa ito sa talangka na naghahanap ng butas sa baybayin. Ang nakakainis lang ay nami-miss niya ito. May pakiramdam siya na parang gusto niya itong laging nakikita, pero parang ito ay balewala kung iniiwan-iwan siya sa mansyon. Sabi ni Ramona, never itong nagkaroon ng seryosong relasyon sa babae, kaya siguro gaanon ang trato sa kanya. Ngayon ay aalis na naman ito. "No, Pa'. Don't worry much. Hindi ko siya mabubuntis."