Kabanata 40 "KUMUSTA ka, mahal ko?" Iyon ang mga lumabas sa bibig ni Dusk habang nakatayo sa harap ni Addison, na parang butiki na naka-glue sa pader. Akala ba nito ay hindi niya ito nakita? Marami siyang mata. At kapag ito ang pinag-usapan, hindi maaaari na hindi niya makita. Pagpasok pa lang niya sa entrance ng Bonifacio ay nakita na niya kaagad itong lumabas dito sa may pader na ito, pero madalian itong umatras kaya naagaw ang kanyang pansin. And there she was, the assassin. Ngayon ay wala na itong takas at sa kulungan na ang bagsak nito talaga. Sisiguruhin niya na habambuhay itong mahahatulan. Tingnan lang niya. Lintik lang ang walang ganti. Nanlalaki ang mga mata ng dalagang nakatitig sa kanya, tapos ay napalunok ito habang nakaawang ang mga labi. "Alin ang gusto mo, warrant o k