Kabanata 36 BALIK na sa dating buhay pero si Addison ay hindi pa rin makapag-move on sa pagpunta nila sa isla ng dalawang araw. Bakit parang mas lalong ang sakit tanggapin na hindi totoo ang lahat? Parang gusto niya tuloy na pagsisihan ang mas lalong paglalapit ng sarili kay Dusk. Parang ang hirap ng umiwas, at ang isipin na magkakalayo silang dalawa ay lalong mahirap. Ngayon ang umpisa ng paglilibot ni Dusk sa iba't ibang lugar sa probinsya pero ang utak niya ay parang naiwan pa rin sa Parola. Nilibot nila ang maliit na isla. They walked hand in hand. Tahimik lang si Dusk pero masaya siya na ganoon sila. Ang bawat segundo na magkasama sila ay nakatanim sa puso niya. The island was so peaceful. Wala roon mga tao. Sabi ni Dusk ay sarado pa iyon pansamantala hangga't hindi pa nito napagp