IT FELT LIKE a dead-end . . . Pakiramdam ni Nyx ay nakatayo siya sa isang mahaba at marupok na tulay na anumang oras ay guguho na ito at kakainin ng rumaragasang ilog, sa ibaba ng kaniyang paanan. Ganoon na ganoon ang kaniyang pakiramdam. He badly wanted to choose a path for both of them, not only Tamara or Cassandra, but he could barely help himself in the middle. He was stuck too. Sa kalagitnaan ng magandang pagsinag ng araw, ng samo't saring mga bulaklak, ng hanging malumanay ang simoy, damang-dama niya ang sariling mag-isa lang sa kawalan. They were all stuck in a life that they never wished to have in the first place. It was designed by some stupid gods and their idiocy made them suffer a lot. Kung ito man ay masasabing obra ng Kalangitan, ito rin ang isa sa mga pinakapangit na