LUKE STOOD OUTSIDE his house. Magulo ang kaniyang isip. Simula nang nakita niya ang babaeng iyon sa bahay ni Nyx, mas nanaig sa kaniya ang katotohanan na baka nagkamali nga siya ng desisyon. Nakatingala pa si Luke sa langit. No one knew that he lost his memories for some reason. Bukod pa riyan, pati ang kaniyang hiyas nang pagkakilanlan bilang diyos ay nawala na rin. Isa iyon sa isang dahilan kung bakit naging outcast siya sa Olympus. Hindi basta-basta mawawala ang hiyas na iyon, maliban na lang kung kusa itong ibinigay. Palaisipan pa rin hanggang sa ngayon kung sino ang nakakuha ng hiyas. Umikot si Luke at naglakad papunta sa kanilang hardin. Iba't ibang klaseng mga bulaklak ang naroon. All these flowers were planted by his own wife as her hobby. "You're home," pangiting bati n