Tristan PoV Pagkakita ko kay Luningning na may kayakap na lalaki agad ko itong nilapitan. Nagulat pa ang lalaking kayakap nito sa ginawa kong paghila kay Luningning. Nagtaas ito ng isang kilay pagkakita sa akin. Umigting ang mga panga ko habang palapit sa kinaroroonan ng mga ito. "Kilala kita," saad nito. Hinawakan din nito ang isang kamay ni Luningning. "Yeah. And I know you too. Ikaw ang anak ni Mayor Estrella. Siguro naman kilala mo kung kaninong kamay ang hinahawakan mo. You're holding my wife's hand!" naiinis na sabi ko. "Asawa mo ba pala siya. Parang kanina lang nakikita kita na nakikipaglambingan kay Wallah." Binitawan nito ang kamay ni Luningning. Nagpamulsa ito sa harapan ko. "Ang ganda pa naman ng asawa mo." Nag-init ang ulo ko sa sinabi nito. Hinawakan ko siya sa balikat