Chapter 5 Tristan's PoV HINDI ko akalaing may igaganda pa pala ang jologs na ito. Biglaan ang lahat dahil sa muling pagbabalik ni Wallah sa buhay ko. Si Wallah ay ang ex-girlfriend kong patay na patay sa akin. Marahil dahil magkababata kaming dalawa. Nakipag-break ako sa kanya dahil nagsasawa na ako sa pagseselos nito ng wala sa lugar. At ngayon muli na naman niyang ginugulo ang buhay ko. Close ito sa Mama ko at botong-boto ito kay Wallah. Dahil siguro sa pareho ang ugali ng mga ito na metikolosa. Kaya nang malaman kong babalik ito ay gumawa na ako ng paraan. Ang magsinungaling na may-asawa na ako. Hindi ko pa pwedeng sabihin ito kay Luningning dahil tiyak na mag-uusisa na naman ito sa akin. Nakatitig ako kay Luningning habang kumakain ito ng cheese burger sa loob ng kotse ko. Walang m