Chapter 23: WAKAS Tristan's PoV KABADO ako habang hinihintay ang pagdating ni Luningning. Dapit-hapon na at nasa may falls ako at hinihintay ang pagdating nito. Nasa bulsa ko ang singsing. Sinulyapan ko ang naka-set up na mga pagkain sa may batuhan. Parang ginawang lamesa ang malapad na bato roon. May iba't ibang pagkain na ipinaluto ko kay Manang Jas, nagpabili naman ako ng mga bulaklak kay Manong Pedro. Malamig ang simoy ng hangin at napakaaliwalas ng paligid. Sumasabay ang mga huni ng ibon sa mga kakahuyan at ang tunog ng pagbagsak ng tubig sa falls. Umalis na si Wallah sa mansion ng mga Acosta. Naaawa ako kay Wallah, dahil aminado ako na may kasalanan din ako. Pinaasa ko si Wallah, at iyon ang maling nagawa ko. Kanina bago siya umuwi ay sinadya niya ako sa bahay ko. Sa huling pagk
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books