Chapter 10 Luningning PoV NAKAUPO kami ni Tristan sa malaking bato. Isang pulgada ang pagitan naming dalawa. Hindi ko lubos maisip na may mga tao pa lang martir sa pag-ibig. Nangalumbaba ako habang pinagmamasdan ito na nakatingin sa falls. Binalingan ako nito habang titig na titig ako rito. Kumunot ang noo nito at hinawakan ang baba ko. "Papasukan 'yan ng langaw," nakangising sabi nito sa akin. Dumiretso ako ng pagkakaupo at inalis ang tingin dito. "Ano bang nangyari sa taong sinasabi mo? Paano siya namatay?" pag-iiba ko sa usapan. Bumuga ito ng hangin. "Car Accident." "Ay..." malungkot kong sabi. "Bestfriend ko siya. At siya rin ang unang babaeng binigyan ko nang pansin. She was different unlike you. But she was crazy as you. Pero namatay siya without knowing what I feel. Wit