Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer Napasapo ako sa aking ulo dahil sa video na pinapanood namin. Tinuloy ni Daddy ang project na mahigpit namin tinutulan dahil na rin maaapektuhan ang orphanage na pag mamay-ari ng aking asawa. Kung ang iba ay natutuwa sa bagong project ng kumpanya ay hindi kaming buong pamilya. “Dad! Anong pumasok sa isip mo para gawin ito?” Bulong ko rito. “Mag-usap tayo mamaya.” Pinipigilan ko ang aking sarili at emosyon dahil sa maling ginawa niya. Namumutla si Dad at hindi naka imik. Patingin-tingin lang sa paligid. Niluwagan pa ang suot na tie upang makahinga ng maayos. Tumingin ako sa aking asawa na ngayon ay ramdam na ramdam ko ang aura ng galit. Masama ang titig sa akin na parang ako na naman ang may kasalanan. Hindi lang sa akin, ganun din sa ama at kay Frank