Sahara Xander a.k.a Avyanna Buo na ang loob ko! Kahit pa isang pagsubok lang ito kung hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis. Ngunit naawa naman ako. Siguro nga nagbago na talaga siya. Kaya lang nasisira ang aking tiwala dahil sa nakaraang niyang mga nagawa. Gusto ko lang siya akitin nung una, pero pati ang aking katawan ay bumigay na rin sa kanya. Kakaibang pakiramdam sa aking mga kalamnan ang aking nararamdaman dahil sa halik at haplos niya. Nakaramdam pa ako ng kiliti sa aking sikmura ng hapitin ang aking baywang at maramdaman ang matigas sa kanyang gitna. Sapat na siguro ang ilang buwan na ipinagkait ko sa kanya ang kaligayahan. Kakaibang init ang dala sa akin lalo na ng sambahin niya ang buo kong katawan. “Ganito pala ang pakiramdam kapag actual mo nang ginagawa ang bagay na i