Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer Totoo na ito at wala nang sapilitan na magaganap sa gagawin ko. Hindi man kami pinagbuklod nang pagmamahal sa umpisa, ngayon sigurado na kami sa isa’t-isa. Nag kulang ako bilang asawa sa kanya dahil hindi ko nagawang memorable ang mahalagang pangyayari sa aming buhay. Ngayon, gusto ko tuparin iyon at sana mapapayag ko siya. Tinaon ko na wala sa bahay ang aking asawa para magawa ko ang aking sorpresa. Nag hire pa ako ng kilalang venue coordinator para sa lahat ng magaganap mamayang gabi. ‘I’m so excited! I can’t wait to give this special thing to her. Dapat noon pa pero ang daming naging problema.’ “Belated happy first anniversary, wife.” Bati ko nang tanggalin ang piring sa mata. Ginala niya ang kanyang mata sa buong garden kung saan ipina set-up ko