Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer Wala akong magawa habang duguan ang mukha ng aking asawa. “Makawala lang ako rito, hindi lang ganitong pagpapahirap ang abutin mo sa akin.” Saad ko sa aking isip. “Ano? Wala ka bang gagawin para maligtas ang asawa mo? Sayang! Sayang ang mukha niya dahil ang ganda-ganda pa naman niya.” “Makawala lang ako dito, triple ang sakit na gagawin ko sayo! Hayop ka!” “Kung makakawala ka pa! Pero bago mangyari iyon, papatayin na kita.” Saad nito at sabay tutok ng baril sa akin. “Bang!!!” Humandusay si Eunice sa aking harapan. “Hahaha! Hindi ba at napaka impokrita niya? Ililigtas ka niya kapalit ang buhay niya! Pwes, mauna na kayong dalawa sa langit!” Muli ay pinosisyon ang baril sa aking harapan. “Bang!” “Ronan!” Hiyaw ni Sahara. “Parang awa mo na! Itigil