Sahara Xander a.k.a Avyanna “Ma’am wala po ba kayong gustong papuntahin na pamilya o kamag-anak? Mas okay po na may kasama kayo ngayon kasya mag-isa.” “Sir, salamat. Kaya ko naman po mag-isa. Ayoko na rin po pag-alalahanin ang aking pamilya. Mga galos lang naman po ito.” “Kayo ang bahala. Kung may kailangan kayo, nandito lang naman kami. Bahala na ang nars at doktor na tumingin sa inyo.” Saad ng pulis at umalis na ito. Nasama kasi ako sa isang aksidente kanina. Ilan sasakyan ang nahagip ng isang 16 wheeler truck habang pauwi sa condo. Dahil lutang ang aking isip ay pati ako hindi nakapag preno at sumalpok sa harap na sasakyan. Mabuti na lang at hindi mabilis ang aking takbo dahil for sure hindi lang galos at sugat ang aabutin ko. “Ma’am, gamutin ko lang mga sugat niyo. Wala bang masak