Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer Hawak ko ang kamay ng aking asawa habang natutulog. Mugto at maga ang mata. Alam ko kung gaano kasakit sa kanya ang nangyari pero mas masakit na mawala ang anak namin. Kailangan pang bigyan ng pang patulog si Sahara upang kumalma dahil sa dinugo kakaiyak kanina. Wala akong nagawa para iligtas ang aming anak. ‘Wala akong silbi!’ Wala akong pakinabang. “Bakit? Bakit wala ako nagawa para iligtas ka anak?! Bakit ka naman bumitaw? Marami pa kaming pangarap ng Mommy mo kasama ka!” Naluluha ang aking mga mata habang kinakausap ang aking sarili. Matinding impact ang dulot na ginawa sa buhay namin ni Reynald. “Wife…” Bulong ko sa tenga habang pailing-iling ang ulo. ‘I’m here.” Saad ko at puno ng kalungkutan. “Ronan?” Bumungad sa akin ang mga luha sa kanyang