HINDI na matandaan ni Tere kung ilang beses na siyang nagpaikot-ikot sa swimming pool. Tumigil lang siya nang sa tingin niya ay humupa na ang init sa kaniyang katawan na idinulot ng kapusukan ni Liam kanina. Medyo dismayado man dahil hindi na siya binalikan nito, para kay Tere ay okay na iyon. Para maiwasan niyang may mangyari na naman sa kanila. Ayaw muna niyang mabuntis habang hindi pa handa ang asawa na tanggapin siya. Hindi rin muna niya gusto na magkalapit sila. Baka kasi lalong lumaki ang galit nito kapag nagkakadikit sila. Nang mapagod sa paglalangoy ay umahon sa tubig si Tere at umupo sa gilid ng swimming pool. Mahigpit niyang niyakap ang mga binti at tumanaw sa asul na tubig. Tama pa ba itong ginagawa mo sa sarili mo, Tere? malungkot na tanong ng isip niya. "Still waiting for