One year later... "SINO po siya, Mama?" Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Tere sa pitong taong gulang niyang anak na si Abigail. Nasa sementeryo sila at dinalaw ang kakambal ni Roxie na si Rosie dahil ayon sa nakasulat sa lapida ay kaarawan nito ngayon. Bukod sa regular na pagdalaw, tuwing birthday ni Rosie ay dinadalaw nila ito ni Liam at ipinaghahanda. At espesyal ngayon ang araw na ito dahil ipapakilala na ni Tere sa kaniyang mga anak ang pinagkautangan niya ng buhay. Malalaki na ang mga anak nila kaya maiintindihan na ng mga ito ang sitwasyon. "Kamag-anak po ba natin siya, Mama?" tanong din ni Asher. Katabi nito si Hannah na nagsisindi ng kandila. Habang sina Alexander at bunsong anak na si Alliyah ay katabi naman ni Liam. Nakaupo silang lahat sa nakalatag na blanket at m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books