"HI, Sir Liam. Nandito na po ang flower boquet na ipina-deliver n'yo para kay Ma'am Tere," sabi ni Lindsay mula sa intercom. "Dadalhin ko na po ba riyan sa loob?" "Thanks, Lindsay. Pero diyan na lang muna iyan. Palabas na rin ako," nakangiting sagot ni Liam. Excited na tinapos niya ang lahat ng mga kailangang tapusin sa opisina niya. Maaga kasi siyang uuwi dahil third wedding monthsary nila ni Tere nang araw na iyon. May inihanda siyang sorpresa para sa asawa. Palabas na sana ng opisina si Liam nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Tawag iyon mula kay Don Amado. "Hello, 'Pa. Kumusta po kayo riyan?" bati ni Liam sa kaniyang ninong na ngayon ay father-in-law na niya. Aminado si Liam na noong una ay hindi siya makapaniwala na hahantong sa ganoon ang relasyon nila. Ni wala sa hinaga