CHAPTER 59 LUCAS POV: Nandito ako ngayon sa labas ng nursery room at pinagmamasdan ko naman ang aking anak. She’s beautiful like her mom. Kuhang-kuha nito ang mata niya at ang maliit nitong mga labi. I just hope she saw her right away of how beautiful our daughter is and I’m sure she would be happy. Maayos na ang lagay ngayon ni Ayvee at kailangan niya pa ng mahabang pahinga. Sinabi rin sa akin ng doctor niya na puwede ko na raw iuwi muna ang anak namin at kailangan pang maiwan ng asawa ko rito sa ospital dahil kinakailangan niya pang masuri ng maigi ng mga doctor at kailangan din niya ng IV fluids. She’s still weak at hindi pa rin kaya ng katawan niya kung iuuwi namin siya sa bahay. Akala ko ay tuluyan ng mawawala ang asawa ko at mabuti na lang ay dininig ng Diyos ang panalangin ko.