CHAPTER 10

3616 Words
AYVEE’S POV: Napakunot ang noo ko nang marahan kong imulat ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang paningin ko at nag-angat ako ng aking mukha. Bigla na lang akong natigilan nang mapagtanto ko ang sarili ko na katabi ko ang lalaking ito at nakayakap pa sa kaniya. Napanganga na lang ako sa gulat at hindi ako makakilos dahil baka pag gumalaw ako ay bigla na lamang siyang magising. Bumaba pa ang tingin ko sa kaniyang dibdib at ang isang palad ko ay nakapatong doon. Naka-unan naman ako sa kaniyang braso at hanggang dibdib ko naman ang nakatakip sa aking kumot. Muli akong nag-angat nang tingin sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang mukha. How can he be this perfect? Matangos ang ilong, makinis ang mukha at ang mga labi ay mas mapula pa yata kaysa sa mga labi ko. Ilang babae na kaya ang nahalikan niya? Sigurado ako baliw na baliw sa kaniya ang mga babaeng naloko niya. Matagal ko siyang tinitigan at pagkuwan ay sinuri pa ang kaniyang mukha. Guwapo nga pero babaero at manyakis naman. Imposible ko rin siyang magustuhan dahil hindi siya ang tipo ng lalaki na makakasama ko habang buhay. Kung katulad lang siya ni Calixto puwede pa siguro. Marahan kong inalis ang kamay ko sa kaniyang dibdib at dahan-dahan naman akong tumayo. Ipinulupot ko ang kumot sa aking katawan at isa-isa ko namang hinagilap ang aking mga damit. Kinuha ko ang bra ko malapit sa paanan ng kama at ang sunod ko namang hinanap ang ay panty ko. “s**t, nasaan na ba ‘yong panty ko?” bulong ko sa aking sarili habang hinanap pa rin ito. Pinulot ko muna ang blouse ko at ang palda na nasa sahig at mahina na lang akong napabuntong hininga ng hindi ko mahanap ang panty ko. “Gosh, saan ba tinapon ng manyakol na ‘yon ang panty ko?” inis kong sambit sa aking sarili. “Is this what you are looking for?” Mabilis akong napalingon at gulat na gulat ako nang makita kong winawagayway niya ang panty ko. Tumayo siya sa kama at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naman ang poste ng meralco niya. Kahit na hindi pa ito matigas ay sadya na talagang malaki ito. Tumalikod ako sa kaniyang bigla at kagat-kagat ko naman ang ibabang labi ko. Lintek na poste ‘yan bakit buhay pa rin? Aaay mali bakit ang laki? Ang nipis ng kifiko blanca ko tapos iyong kaniya dambuhala. Ilang babae na rin kaya ang pinatirik niya ng mata? “Why you’re facing on the wall?” Napapikit na lang ako at napakamot sa aking noo. “You’re naked. Puwede bang isuot mo muna ‘yong brief mo?” Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. “Kagabi lang titig na titig ka rito sa__ wait, ano nga ba ulit ang tawag mo rito?” Mabilis akong humarap at pinamey-awangan pa siya. Napatingin ako sa panty na hawak niya at tila nakasabit pa ito sa kaniyang daliri. Lintek talagang lalaking ito! Napipikon na ‘ko sa kamanyakan niya ah! Pilit kong inaabot ang panty ko pero itinaas niya pa ito. Humawak pa ako sa isang braso niya at tinalon ito pero hinawakan niya ako sa baywang ko at isinandal sa pader. Magkadikit ang katawan namin at dahil sa bilis ng kamay niya ay hinablot niya ang kumot na nakatakip sa aking hubad na katawan. Mariin niya pang idinikit ang sarili niya sa’kin at mataman akong tinitigan. “Can you feel it my binibini? Mabubuhay ulit ‘yan kapag hindi mo ‘ko sinunod at kapag nangyari ‘yon uuwi kang lumpo.” Pagbabanta niya sa’kin at napalunok na lang ako habang nakatitig sa kaniya. Lumayo siya sa’kin at pinagmasdan niya ang hubad kong katawan. Muli niya akong binalingan nang tingin at lumuhod pa siya sa aking harapan. My toes curled, I’m nervous, we’re both naked at mukhang makakapag-almusal ako ng fresh sausage nito with butter and cream. Nagulat ako nang ibuka niya ang panty ko at siya mismo ang magsusuot nito sa’kin. Baliw talaga ang lalaking ito. Inangat ko ang paa ko at nang nakasuot na ito sa ibaba ng binti ko ay unti-unti naman niya itong inangat. Para akong nakukuryente sa bawat pagdampi ng balat niya sa aking hita. Nang maisuot na niya ito ay lumapit siyang muli sa’kin at halos magdikit na ang aming mga labi. Bakit ba kapag guwapo mabango rin ang hininga? Natulog ba ang lalaking ito at hindi man lang napanis ang laway niya? “Let’s go downstairs mag-almusal ka muna bago kita ihatid sa inyo. I know you’re tired and still sore pero hindi pa ‘yan marami pang pagsubok ang mangyayari sa’yo,” sabay ngisi niya sa’kin. Napatulala na lang ako sa kaniya nang tumalikod siya sa’kin at nagsuot na siya ng kaniyang brief at short. Napapalunok ako habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya at para bang wala na rin akong laway na malunok. Kailangan ko yata ng malamig na tubig dahil pakiramdam ko ay tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Nakapagpalit na rin ako ng damit at sabay na kaming lumabas ng kuwarto. Bababa na sana kami nang hawakan ko ang braso niya at taka siyang napatingin sa’kin. Sigurado akong nandito na si Badiday at tiyak na magtataka siya kung bakit ako nandito ngayon. Kilala ko pa naman ang talanding kaibigan ko na ‘yon hindi siya basta-basta naniniwala sa mga palusot ko at alam niya kapag nagsisinungaling ako. “Ganitong oras nandito na si Badiday ‘di ba?” may halong kabang sambit ko. “You’re still here kaya sabi ko mamaya na lang siya pumasok” “Ano?! Sinabi mong nandito ako? Baliw ka ba?!” Galit kong turan sa kaniya. “Of course not. What I mean is, sinabi kong mamaya na lang siya pumunta dahil wala din naman siyang gaanong gagawin dito sa bahay.” Doon lang ako nakahinga ng maluwag sa sinabi niyang iyon. Dumeretso na kami sa kusina at naupo na ako sa hapag. Abala naman siya sa paghahanda ng almusal at hindi naman ako mapakali dahil medyo mahapdi pa rin kasi ang kuweba ko. Parang konting galaw ko lang ay kumikirot ito. “Are you okay?” Tila napansin naman niya ang pag-iiba ko ng puwesto sa aking kinauupuan. “A-no k-kasi eh,” nauutal kong sambit sa kaniya. Inilapag niya sa harap ko ang platong may lamang kanin at sa gilid nito ay bacon and egg. Hinayinan din niya ako ng tinapay at saka gatas. Umupo siya sa harap ko at tanging kape lang ang kaniyang almusal. Tinitigan ko muna ang pagkaing niluto niya at ito ang unang beses na kakain ako ng almusal sa bahay ng ibang tao. Simula kasi nang dalhin ni daddy ang mag-inang iyon ay hindi na ako kumain pa sa bahay. Minsan si Marita o ‘di kaya’y si Badiday ang parati kong kasamang kumain. Kapag sa umaga naman ay bumibili lang ako ng tinapay at kape sa convenience store at doon na ako kumakain. Kaya kong magtiis basta hindi ko lang makasama si Tita Jean at ang anak niyang mang-aagaw. “Ayaw mo ba ng pagkain? Sorry ah, iyan lang kasi ang kaya kong lutuin eh.” Nag-angat ako nang tingin at sumandal naman siya sa kaniyang upuan at nakamasid sa’kin. “Hindi naman ako mapili. Ito yata ang unang araw na kakain ako ng matinong almusal at sa ibang bahay pa” “So, you mean__” “Ah!” Mahina akong napadaing nang maramdaman kong bigla ang kirot sa aking ibaba. Mabilis siyang lumapit sa’kin at sinuri ang kabuuan ko. Nakahawak ako sa aking puson at mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Sira-ulo kasi itong lalaking ito. Bakit kasi kailangan niya pang ipagpasukan ang daliri niya? Feeling ko tuloy nagkaroon ako ng sugat sa loob dahil sa kakafinger niya sa’kin. “Why? Masama ba ang tiyan mo?” may pag-aalalang turan niya. Sinamaan ko siya nang tingin at malakas na bumuga sa hangin. Pumihit pa ako sa kaniya paharap at tinaasan siya ng kilay na ikinataka naman niya. “Kailangan ba talagang ipasok mo ‘yang daliri mo tapos galugarin mo pa ang loob ko kung meron ka namang poste ng meralco?” Napanganga pa siya sa sinabi ko at inihilig niya pa ang kaniyang ulo. Tiningnan ko pa ang daliri niya at hinawakan ito. Sinalat ko ito at na-imagine ko tuloy na iyong mahahabang daliri niya ay ipinasok niya sa loob ng kifiko blanca ko. What the f**k? May napanuod din naman akong ganoon sa porn pero hindi ko naman alam na masakit pala ang sundot-sundutin. “Syempre it’s a part of___” Nahinto ang kaniyang sasabihin nang sabay kaming nagulat ng biglang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko ito sa aking bag at nakita ko ang pangalan ni Badiday. Nanlaki ang mga mata ko at gulat akong napatingin sa amo niya at taka naman siyang pinagmamasdan ako. Tumikhim pa muna ako bago ko sagutin ang tawag niya. “Hello, Badiday,” mahinang sagot ko sa tawag niya. Hindi ko siya narinig na nagsalita at bahagya ko pang inilayo ang telepono ko sa aking tainga at tiningnan ang screen nito. Hindi pa naman niya ibinababa ang tawag kaya muli kong ibinalik ang telepono ko sa aking tainga. Narinig ko ang mahina niyang paghikbi kaya bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. “B-badiday, hello! Anong nangyayari? Okay ka lang ba?” Napatayo ako sa aking kinauupuan at hindi ko na pinansin pa ang hapdi ng kanina ko pa iniinda. Nakita kong napatayo rin sa kinauupuan niya ang amo niya at takang-takang nakatitig sa’kin. Mahigpit akong napahawak sa aking telepono dahil sa kabang nararamdaman ko kahit na hindi pa naman niya sinasabi ang dahilan. “E-ec,” nanginginig ang boses niyang tawag sa’kin. E.C s-si M-mareta” “What about her?” Matagal bago siya muling nakapagsalita. “W-wala na siya E.C” “Anong wala na?” Mas lalong lumakas ang pagdagundong ng dibdib ko at sana ay mali ang iniisip ko. Nang sabihin ni Badiday ang hindi ko inaasahang maririnig ko ay nabitawan ko na lang ang aking telepono. Sunud-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko at para bang nanlambot ang aking mga tuhod. Iyong sana ay mali lang ako nag pagkakarinig at sana ay hindi ito totoo. Maglalakad na sana ako palabas nang may humawak sa aking braso. Marahan ko siyang tiningnan at mataman naman niya akong pinagmasdan. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak nang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit nangyari kay Marita ang bagay na ‘yon at kung ano ang naging kasalanan niya. “Ihahatid kita, just tell me where it is.” Hindi na ako tumanggi pa at hindi na rin naman siya nagtanong kung ano ang nangyari. Habang tinatahak namin ang daan patungo sa bar ay nanlalamig naman ang mga kamay ko at hindi maiwasang isipin ang dahilan kung bakit nagawa sa kaniya iyon. Wala naman akong naisip na kaaway niya dahil una sa lahat hindi siya mahilig makisangkot sa gulo at tanging kami lang ni Badiday ang nakakaalam ng pagkatao niya. Pagkarating namin sa bar ay marami ang nakapalibot na mga pulis doon. Kaagad akong bumaba at hindi ko na pinansin ang pagtawag niya. Papasok sana ako sa nakalagay na harang ngunit mabilis akong hinarang ng dalawang pulis. “Sir papasukin niyo po ako ‘yong kaibigan ko po kailangan ko siyang makita,” pagmamakaawa ko sa kanila. “Pasensiya na po kayo pero bawal po kayong pumasok sa loob” “Nakikiusap po ako, gusto kong makita ang kaibigan ko! Gusto ko siyang makita! Marita!” Sigaw ko habang nakahawak sa’kin ang dalawang pulis at nagpupumiglas naman ako. Natigilan ako nang makita kong may inilalabas na sila at nakalagay ito sa stretcher. Nakataklob na ito ng puting kumot at doon ko lang napansin sa gilid nito si Badiday. Kaagad niya akong dinalohan at mahigpit na niyakap habang ako naman ay hindi ko inaalis ang pagkakatitig na wari ko ay si Marita ang nandoon. Inilayo ko si Badiday sa’kin at dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa bangkay ni Marita. Nang nasa tapat na ako noon ay nanginginig ang kamay kong tinanggal ang kumot na nakataklob sa kaniya at mas lalo akong napaluha nang makita ang itsura niya. Naitakip ko ang aking dalawang palad sa aking bibig dahil sa pagkagulat at awa nang makita siya. Tadtad ng pasa ang mukha niya at may sugat sa kaniyang mga labi. Ang isang mata naman niya ay umumbok na dahil sa pamamaga nito. “M-marita, naririnig mo ba ako? M-marita wake up. This is not true, Badiday this is not true right?” saad ko habang nakatitig sa mukha ni Marita. Hindi ko namalayang wala na siya sa aking harapan at panay lang ang aking pag-iyak. Niyakap na lang ako ni Badiday at sobra ang galit ko sa taong gumawa kay Marita noon. Ang mga pulis naman ay iniimbestigahan pa nila ang nangyari at ang sabi pa ng mga nagtatrabaho sa loob ay hindi daw nila alam ang tunay na nangyari at nakita na lang nila si Marita sa dressing room na nakahandusay at wala ng buhay. Ang hinala pa raw nila ay binugbog siya ng dating customer niya dahil noong minsan ay hindi siya nito pinagbigyan na lumabas silang dalawa. “E.C, ayos ka lang ba? Ihahatid na lang kita baka anu pa mangyari sa’yo.” Tipid lang akong ngumiti kay Badiday at tinalikuran na siya. Pumara na ako ng taxi at hindi ko na siya kinausap pa. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon at tanging iniisip ko lang ang nangyari kay Marita. Napasandal na lang ako sa upuan at hindi ko pa rin mapigilan ang mga mata kong patuloy na pumatak ang mga luha. Akala ko ay maiaalis ko na siya sa lugar na ‘yon at magsasama kami sa iisang bahay kapag nakaipon na ako. Naaawa ako sa kaniya dahil mag-isa na lang siya at wala ng pamilya. Kami na lang ni Badiday ang tinuturing niyang pamilya simula nang mamatay ang lola niya dahil sa sakit at iyon din ang dahilan kung bakit siya huminto sa kaniyang pag-aaral noon at mas pinili ang ganitong trabaho. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa bahay dahil sa buong byahe kong pag-iisip. Bababa na sana ako ng taxi nang makita ko ang sasakyan ko na nakaparada sa harap ng aming bahay. Nagtaka naman ako at iniisip kung sino ang nagdala ng aking sasakyan. Maya-maya ay biglang sumagi sa isip ko ang lalaking iyon at marahil ay siya ang nagdala ng sasakyan ko. Pero paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay narinig ko ang usapan ni Tita Jean at ng anak niyang si Suzette. Hinanap ko kung saan nanggagaling iyon at nakita ko ang maliit na awang na pintuan ng library ni daddy. Sumilip ako roon at nakita kong nakaupo sa swivel chair si Tita Jean at sa kaniyang harapan naman si Suzette. “Ang galing mo talaga anak, bilib na ‘ko sa’yo mana ka talaga sa’kin,” sabay tawa pa ni Tita Jean pagkasabi niyang iyon. “Ako pa ba mommy? Kahit na saang lupalop pa siya mag-apply ng trabaho walang tatanggap sa kaniya. Ang cheap naman ng inaaplayan niyang mga trabaho.” Malakas pa siyang tumawa at hindi na ako nakapagtimpi pa nang buksan ko nang malakas ang pintuan kaya napatingin sila sa akin. Pareho silang nagulat at napatayo pa sa kinauupuan nila nang makita ako. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit hindi pala ako natatanggap sa trabaho. Gusto kong saktan si Suzette pero mas inisip ko ang bata sa sinapupunan niya. “Habang tumatagal pala mas lalong tumutubo ang mga sungay niyong mag-ina. Well, bagay naman sa inyo ang magkaroon noon at naaayon din naman sa itsura niyong dalawa,” sabay duro ko pa sa kanila. “Ang yabang mo! Hoy, hindi ka na prinsesa ngayon at hamak na pulubi ka na lang. Tama lang na tanggalan ka ng karapatan sa pera ni daddy dahil isa kang walang kwentang anak.” Kinuyom ko ang palad ko at gusto kong suntukin ang pagmumukha ni Suzette. Nginisian ko lang siya at pinagkrus ko ang aking mga braso. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Suzette at napaismid pa ako na alam kong ikinainis niya dahil sa klase ng tingin niya sa’kin. “Iyang suot mo, iyang alahas mo at itong bahay na tinitirhan niyong mag-ina galing sa daddy ko at correction lang ha, hindi mo daddy ‘yon dahil hindi naman Constantino ang apelyido mo sampid lang kayong mag-ina rito kaya wala kang karapatang pagsalitaan din ako ng kung anu-ano dahil hindi niyo pera ang pinangbibili niyo ng mga luho niyo,” mariin kong sambit sa kaniya. Akmang sasampalin ako ni Suzette pero nahawakan ko ang kamay niya at pabalagbag ko iyong binitawan. Napaatras pa siya at naitukod niya ang kamay niya sa lamesa. Napangiwi pa siya at pansin ko ang kalmot sa kaniyang braso pagkabitaw ko sa kaniyang kamay. “Anong kaguluhan ito? Nag-aaway na naman ba kayo?” Pare-pareho kaming napatingin sa may pintuan at papalapit naman sa kinaroroonan namin si daddy. Kaagad namang napayakap si Suzette sa kaniya na animo’y batang nagsusumbong at mas lalo akong nagngitngit dahil alam kong ako na naman ang magmumukhang masama nito. Kung sabagay kailan pa ba ako naging tama sa paningin ng sarili kong ama kumpara sa dalawang ito na kung saan lang niya napulot. “Dad, si Cassandra tinatanong ko lang naman siya kung bakit hindi siya nakauwi kagabi dahil nag-aalala ka na sa kaniya. Tapos bigla na lang niya akong sinunggaban at kinalmot.” Pinakita niya pa ang bakas ng kuko ko sa kaniyang braso at pagkuwan ay tiningnan ako ng masama ni daddy. “Cassandra, ganiyan na ba talaga kagaspang ang ugali mo?” Pagalit niyang wika sa’kin. “What? In the end it’s my fault anyway. Kahit naman na ano ang sabihin ko sa inyo mas paniniwalaan niyo pa rin ang kabit niyo at iyang ampon niyo.” Pagkasabi kong iyon ay tinalikuran ko na sila. Palabas na sana ako ng library nang humarang naman sa aking harapan si Tita Jean. Nagulat pa ako nang sampalin niya ako at sapo ko naman ang pisngi ko at masama siyang tinitigan. “Wala kang karapatang insultuhin kami ng ganiyan. Pinakisamahan kita, pinakitaan ka namin ni Suzette ng maganda pero bakit masama pa rin ang tingin mo sa amin.” Mangiyak-ngiyak na saad niya sa’kin Gusto kong tumawa nang malakas dahil sa mga pinagsasabi niya at masyado naman niyang ginalingan umarte sa harap ng daddy ko. Ngumisi na lang ako sa kaniya at hinayaan ko na lang din siyang sabihin kung ano ang gusto ng babaeng ito. “Kung dahil ito kay Rupert, puwes kasalanan mo rin naman ‘yon dahil hindi mo maibigay sa kaniya ang tunay na pagmamahal at kay Suzette niya nakita ‘yon.” Natawa na lang ako sa sinabi ni Tita Jean at kahit na gusto ko na siyang pagsasampalin ay pinigilan ko pa rin ang sarili ko. “Sa kaniya na si Rupert at sigurado naman akong pagsasawaan din naman siya no’n. Ang mabuti niyong gawin alam mo kung ano? Gawin niyong aso si Rupert para maging sunud-sunuran niyo.” Kita ko ang galit sa kaniyang mukha at mukhang gusto niya pa yata akong sampalin. Pumihit ako paharap kay daddy at nanatili pa ring nakayakap si Suzette sa kaniya. “Don’t worry dad dahil hindi na sasakit ang ulo mo at wala ka ng magiging problema dahil aalis na ako sa impyernong bahay na ito!” Mabilis akong lumabas ng library at padabog ko namang isinara ang pintuan. Inaasahan ko ng hindi ako pipigilan ni daddy dahil mas matimbang sa kaniya ang mag-inang iyon kaysa sa’kin. Ewan ko ba kung anong gayuma ang pinainom ng mga mangkukulam na ‘yon kay daddy at mas pinapaboran pa niya ang mga iyon. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Umuulan at mas mahihirapan akong makahanap ng matutuluyan ngayon. Nagpasya akong sa hotel na lang muna tumuloy tutal ay may natira pa namang pera sa’kin at bukas naman ay aasikasuhin namin ni Badiday ang pagpapalibing kay Marita. Wala na kasing ibang gagawa noon kun’di kami lang na mga kaibigan niya. Inihinto ko ang sasakyan ko sa tabi ng kalsada dahil mukhang nagkaaberya pa ang sasakyan ko at para bang may pumutok na gulong. Bumaba ako at kahit na umuulan pa ay tiningnan ko kung ano ang sira ng sasakyan ko. Napamura na lang ako sa aking isipan nang makita kong na-flat-an ako. Lalong lumakas ang ulan at mahihirapan akong magpalit ng gulong ng aking sasakyan. Napasandal na lang ako sa pintuan at pagkuwa’y napaupo. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o magagalit na lang dahil sa kamalasang sinapit ko ngayong araw. Namatayan ako ng kaibigan at ngayon naman ay umalis na ako sa bahay at hindi alam kung saan ako pupunta. Pansin ko naman na may humintong sasakyan sa aking harapan at may isang lalaking bumaba roon. Hindi ko maaninag ang itsura niya dahil sa patak ng ulan na dumadampi sa aking mukha. Binuksan niya ang kaniyang payong at tumingala naman ako at doon ko lang siya nakilala. Kaagad akong tumayo at titig na titig ako sa kaniya. Walang emosyon siyang nakatingin sa’kin at pinunasan niya pa ng panyo ang basang mukha ko habang nakatingin ako sa kaniya. “Let’s go, I’ll take you with me.” Wala ako sa sarili kong napatango na lang sa kaniya na para bang nahipnotismo niya ako. Paano niyang nalaman kung nasaan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD