AYVEE’S POV: “Ate!” Nang lingunin ako ni Ate Jea ay masaya akong kumaway sa kaniya sa malayo. Patakbo ko siyang nilapitan at nakaupo naman siya sa may batohan. Paborito naming pasyalan ang pantalan dahil gustong-gusto naming panuorin ang paglubog ng araw. Umupo ako sa kaniyang tabi at binigay ko sa kaniya ang binili kong palamig. “Kanina ka pa ba rito ate?” Umiling siya habang sinisipsip niya ang binigay kong palamig. Fourth-year high school na siya at ako naman ay nasa First-year high school pa lang at malapit na rin siyang gumraduate. Gusto niyang mag-aral sa Maynila na sinang-ayunan din naman nila mommy. Kung ako ang tatanungin ay gusto kong kasama ang kapatid ko kahit na hindi kami magkasama sa bahay dahil ang mga lolo’t lola na namin ang siyang nagpalaki sa kaniya. Itinuring siya