AYVEE’S POV: Nagising ako sa ingay ng mga tilaok ng manok. Padabog akong bumangon at medyo nakapikit pa ang aking mga mata dahil sa antok. Hindi lang naman ako masyadong nakatulog kagabi dahil hindi ako komportable sa hinihigaan ko. Naglatag lang ako ng makapal na kumot sa sahig na nakita ko dito sa maliit na kuwarto. Dito ako sa itaas ng bahay pinatuloy ni Lucas dahil dito lang daw may signal kung sakaling kailanganin ko siya at may ipag-uutos sa’kin kapag wala siya rito sa bahay. Padabog pa akong tumayo ng sunod-sunod nagtilaukan ang mga manok at wala na yata silang balak tumigil. Kinuha ko ang telepono ko sa ibabaw ng upuan at tiningnan kung anong oras na. Alas-singko pa lang ng madaling araw at gusto ko pa sanang matulog kaso iyong mga manok ni Lucas ay wala na yatang balak tumigil