AYVEE’S POV: Napatigil ako sa pagbaba ko sa hagdan nang makita ko ang dalawang kaibigan kong si Giselle at Badiday na tila lalambot-lambot pang nakahilata sa sofa. Si Giselle ay nakataas pa ang paa sa handrest ng pang-isahang upuan at si Badiday naman ay nakahiga sa mahabang sofa at panay naman ang daing niya. Taka ko silang nilapitan at naupo naman sa kanilang harapan. Maya-maya pa’y dumating naman si Lucas at may dala pa siyang dalawang tasa na may mainit na kape. Inilapag niya ito sa center table at pagkuwan ay tumabi sa’kin. “Anong nangyari sa kanila?” tanong ko sa asawa ko habang pinagmamasdan ang dalawa. “Lasing na lasing ‘yang dalawa. Hindi ko alam kung ilang bote ng lambanog ang nilaklak ng mga ‘yan” “Ayoko na. Ang sakit-sakit ng ulo ko, nanghihina ako.” Napabuntong hininga n