AYVEE’S POV: “Napaka ganda mo sa suot mong wedding gown, hija. Bagay na bagay sa’yo at mas lalo ka pang gumanda ngayon,” puri sa’kin ni Mama Divina nang pumasok siya sa aking kuwarto. Ito na ang araw na pinaka-hihintay namin. Hindi ako makapaniwala na muli akong ikakasal at matutupad ang pangarap kong bumuo ng sarili naming pamilya. May mga nangyari mang hindi maganda sa amin pero mas nangibabaw ang pagmamahal namin sa isa’t-isa na hindi namin inaakalang mangyayari. Si Lucas, siya ang naging sandalan ko at aking lakas kapag pinanghihinaan ako. I promise that I will love him till the end. “Salamat po mama, kayo rin po ang ganda-ganda niyo ngayon.” Ngumiti siya sa’kin at pansin ko ang panunubig ng mga mata niya. “Salamat hija dahil binago mo si Lucas. Salamat sa’yo dahil ikaw ang siyang