Avaree's pov: Isa't kalahating buwan na rin pala ng tumira si Reece sa bahay pero parang napakatagal na panahon na niyang naririto. Nasanay na ako sa mga pambu-bully niya at nakakabisado ko na rin ang mga ayaw at gusto niya. Napakatalino niya sobra hindi lang sa school… pati na rin sa kalokohan! Ang walang hiyang ‘to, natuwa pa ako no’ng tinimplahan niya ako ng kape tapos ‘yon pala nilagyan niya ng suka at toyo! ‘Yong kape ko ginawa niyang adobo! Parang gago! Naalala ko inalok niya ako ng softdrink, kakatapos ko lang maglinis no’n kaya napagod talaga ako at nauhaw. Iinumin ko na sana ‘yong softdrink sa baso nang malakas niyang nilaglag doon ‘yong yelo, e di nagtalsikan ‘yong softdrink sa mukha ko at nangalahati na lang! Ayon, na-refresh talaga ako pero ‘yong ulo ko, uminit! Bwisit siya!