CHAPTER 41

1060 Words

"Wow! Para sa 'kin po ba ito, Mommy?" manghang usisa ng anak ko nang nabalik kami ng condo, patukoy sa teddy bear na ibinigay ni Valjerome. Kauuwi lang namin galing sa unit ni Chaos dahil doon kami kumain ng dinner. Bago ako nagpunta roon ay iniwan ko muna ang mga gamit na dala ko rito sa bahay para wala akong maraming bitbit. Hilaw akong ngumiti. Nag-iisip ng tamang sagot para sa anak ko. "Gusto mo ba?" iyon na lang ang nasabi ko imbes na kumpirmahin kung para kanino iyon. Mabilis na tumango si Erom at niyakap ang malaking teddy bear na mas malaki pa sa kanya. Hindi ko tuloy naiwasan na mapahalakhak nang mahina. "He's cute!" aniya. Napaangat naman ang kilay ko at lumapit sa sofa kung saan siya nakapwesto kasama ang teddy bear. "He?" tanong ko. "Paano mo nasabi na lalaki 'yan?" da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD