16 NIKKA Napanganga ako nang matanawan ko ang mga magagandang babae na papasok sa kabahayan pagkatapos kong makababa ng hagdan. Wala akong itulak kabigin sa kanilang lahat at gusto kong itanong kung nasaan sila nang magsabog ng kagandahan ang Maykapal? Sana sumama ako. They all look so classy and they’re giggling while chatting. They all look so young and are dressed beautifully. Lalo akong ngumanga nang makita na pumasok sa bakuran ang mga kalalakihan na may bitbit na mga anak! Nasaan din sila nang magsabog ng kagwapuhan at kamachohan? Made-deadbols na ba ako kaya pinakikitaan na ako ng mga Greek gods and goddesses? Then, I saw Mr. Adam. Oh! Mga de Lorenzo pala. Diyos ko, ang gaganda ng lahi nila. The serious man caught my attention. He’s so big; bigger than any one of them, and he’s