NIKKA Namamanhid ang mga labi ko at ang nanginginig pa ang mga tuhod ko habang papasok ako sa kwarto ni Andi. I’m not sure what really happened or, was it just a dream, or nightmare? Naiiyak ako kasi hindi ko alam kung para saan ang halik na iyon. For him it was nothing but for me—it’s something. Isa akong babae na may inang galing sa club at nakikita ko kung paano siya halikan mga lalaki para lang sa kaunting pera na maiuuwi niya para may ipakain sa akin. I was so young back then but I remember everything. Tumatak iyon sa utak ko at naitanong ko sa sarili ko, bakit ang daming lalaking humahalik sa Mama ko tapos ipinapasok siya sa isang kwarto. Uuwi siya, may gatas na dala at fried chicken. Sabi niya, gusto kong lumaki ka na maayos para hindi ka matulad sa akin. Huwag kang pahahalik kung