50 NIKKA Napanganga ako kanina nang pumasok kami ni Jamie Rix sa loob ng isang condo pero may ibang tao sa loob, si Sir Ghuix na asawa ni Ma’am Larrah. Natulala ako at hindi kaagad nakapagsalita. Kung anu-ano tuloy ang inisip ko. Akala ko ay ipari-r**e na ako ni Jamie sa pinsan niya o kaya pagtutulungan nila akong dalawa. Hindi naman pala. Salamat sa Diyos. Nakaupo pa rin ako ngayon sa couch kung saan kami nagkaharap at nag-usap. Isa iyong pulis at hawak niya ang kaso ng sindikatong pinasok ko. Sa una ay ayaw kong magsalita dahil natatakot ako para sa mga kapatid ko, pero nang sabihin niya na nauna nang pabantayan ni Jamie sina Caine at Bryan, lumakas na ang loob ko. Hindi ko akalain na kahit niloko ko na si General ay mas inuna pa rin niyang paniwalaan ang sinabi ko na namimiligro ang