48 NIKKA Pabali-balikwas na ako sa kama nang mahiga ako. Hindi na ako makatulog at pilit kong tinatawagan ang number ni Jesmond pero hindi ko na siya makontak. Ano na kaya ang nangyari? Sabi niya ay mag-uusap daw kami pagkatapos ng birthday ko pero wala na siya. Umalis na ba sila? Wala na ba ang hideout nila sa squatters area? Maraming tanong pero alam kong walang sagot. Ang nakakainis ay inabot na ako ng umaga dahil sa pag-iisip. Hindi na matanggal sa isip ko ang aura ng mukha ni General na katulad ng dati ay tagusan kung tumitig, iyon lang ramdam kong galit siya dahil hindi niya ako nginingitian. Nang hindi ako makatiis ay bumaba ako sa kama at lumabas ng kwarto. Nasaan na ba si Andi? Malamang ay tulog pa ang alaga ko dahil sa puyat kagabi. Paglabas ko sa may sala ay kamuntik pa akon