43 NIKKA Hindi na ako kumatok sa pinto. Pinihit ko na lang ang doorknob at hindi naman nga nakalock ang kwarto. Wala ba siyang importanteng mawawala sa loob kaya iniiwan niyang nakabukas ang pintuan? Gago talaga. Buti na lang hindi ako magnanakaw. Sumilip ako sa pintuan at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bumungad sa mga mata ko ang nakangising mukha ng impakto. Namilog ang mga mata ko kasama na pati bibig. “I-Ikaw?” gulat na tanong ko sa kanya kasi ay para siyang modelo ng boxer briefs na kulay dark blue. Nakatihaya siya sa kama at nakabaluktot ang isang tuhod niya at ang mga braso ay nasa likuran ng ulo niya at ginagawa niyang mga unan. May ribbon kasi siya sa noo na kulay pink at hindi ko napigil na huwag tumawa nang malakas. Nawala ang atensyon ko sa nakaumbok niyang p******