NIKKA Hindi ko halos matitigan ang mga kapatid ko na kasama ko ngayon at kumakain sa labas. Ngayon lang sa tanan ng buhay nila at pati na rin sa buhay ko na lumabas kami at kumakain ng masarap. Kaliwa at kanan ang subo ko ng pagkain sa dalawang baby na napapagitnaan ako, si Andi sa kaliwa at si Byran sa kanan. Ayaw ko naman na istorbohin si Caine sa pagkain kaya ako ang nag-aasikaso kay Bryan. I feel the corners of my eyes heating up. I will definitely cry if I’m not going to build a high resistance against it. I feel so emotional and I feel so special. Pagkatapos kong titigan ang bahay na ngayon ay maganda na, saka kami pumunta sa restaurant na ito. Ano ba ang dapat kong sabihin kay General HH na nandito ngayon sa tapat ko at parang ako ang gusto niyang kainin kaysa sa isang plato ng pa