25 NIKKA Napangiti ako nang makarating kami sa may bukana ng squatters area at hindi sinasadyang kay Sir Jamie ako tumingin. Pagkakaguluhan siya sigurado rito at baka mamaya ay pati mga tambay ay hiritan pa siya ng inumin o baka mapag-tripan. Kahit na hindi uubra ang mga iyon sa akin, ayoko pa rin na mabastos siya rito sa lugar ko. “Ibaba mo ‘yong bubong ng kotse.” Utos ko sa kanya pero ngumisi pa siya at tinaasan ako ng isang kilay. “Don’t you want them to see how gorgeous your man is?” buong kahanginan na tanong niya kaya umirap ako tapos ay nagkibit balikat. “Ikaw, bahala ka. Baka gusto mong mapaltos ang nguso mo kapag hinalikan ka ng mga matronang p****k na kapitbahay ko.” Kunwari balewalang sabi ko pero kamuntik akong matawa nang masulyapan ko ang hitsura niya. Namutla siya big