Chapter 7

1800 Words
Namumula ang aking pisngi habang pinapanood si Sir Silas na punasan ang p********e ko. Kunot na kunot ang noo niya, seryosong seryoso sa ginagawa. Napaigtad pa ako nang masanggi niya ang p********e ko kaya naman napatingin siya sa akin. "So sensitive," sabi niya bago ngumisi at pinagpatuloy ang ginagawa. Ngumuso na lang ako at hindi na siya sinagot pa. Habang ginagawa niya iyon ay hindi ko inaasahan na makakatulog ako. Nagising na lang ako ng kusa. Masakit ang katawan ko pati na rin ang p********e ko. Hindi ko alam pero masakit din ang ulo ko, siguro dahil sa puyat at... pagod. Namula ang aking pisngi dahil sa naisip. Suminghap ako at marahan na nag-inat. Wala na si Sir Silas sa tabi ko. Nang tignan ko ang wall clock ay halos mapasigaw ako nang makitang 1:38 na na ng hapon! "Hala, lagot ako nito!" nagpapanic na bulong ko sa aking sarili. Hindi ko namalayan dahil siguro sa sobrang kapal ng kurtina ni Sir Silas ay hindi na tumagos ang araw. At hindi niya iyon binuksan. Para na rin siguro hindi ako madisturbo sa pagtulog. Kinilig ako dahil doon. Pero agad ding nawala dahil lagot ako kay Ma'am Nisyel! Baka mamaya ay maging matandang huklaban din 'yon. Huwag naman sana! Sinubukan kong umupo sa kama at agad na napangiwi dahil sa hapdi ng aking p********e. Ngumuso ako at pinilit ang sarili ko na kumilos. Una kong ginawa ay binuksan ang kurtina gamit ang automatic remote control. Tapos nun ay dali dali na akong lumabas ng kwarto ni Sir kahit iika ika ako. Dumiretso ako sa dining area dahil may naririnig akong boses doon. Huminga ako nang malalim at inayos ang paglalakad ko. Pero wala rin namang saysay dahil iika ika pa rin ako. Lagot na talaga. Kahit kinakabahan ay pumasok ako sa dining area. Andoon ang pamilyang Montero. Una kong napansin si Sir Silas na kunot noong nagtitipa sa laptop niya. Nasa tabi niya si baby Remi na busy sa pagkain ng mashed potato. "The board members okay with this, son?" dinig kong tanong ni Sir Theo kay Sir Silas. Tahimik akong dumaan sa gilid nila. Dumiretso ako sa dirty kitchen at nakitang wala man lang ka-tao tao dito. Kapag kasi nasa hapagkainan ang mga Montero, maraming maids dito para umantabay pero ngayon wala. Anong meron? Humaba ang nguso ko dahil sa pagiisip. Nahagip ng paningin ko ang calendar na nakasabit sa dingding. Sunday.... Ibig sabihin family day nila at bawal ang maids dito! Lagot talaga ako. Bumuntong hininga ako at problemadong tinignan ang walang katao tao na dirty kitchen pagtapos ay pikit mata na pumunta sa dining room. Bahala na. Unang nakapansin sa akin ay si Ma'am Nisyel. Nanlaki ang kaniyang mata at tinuro ako kaya naman lahat na sila ay tumingin sa akin, maiba lang kay Remi na busy pa rin sa pagkain. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't we told you that maids aren't allowed here every Sunday?" masungit niyang tanong. Tinaas niya ang kaniyang kamay at pinagkrus iyon. Tumikwas ang kaniyang kilay habang hinihintay ang pagsagot ko. Kinabahan ako. Pinaglaruan ko ang aking daliri at sasagot na sana nang magsalita si Sir Silas. "She's with me, Mom," sagot niya sa ina bago bumaling sa akin. "Come here. Let's eat," sabi niya sa akin. __ Halos panawan ako ng ulirat dahil sa klase ng tingin na ibinibigay sa akin ni Ma'am Nisyel. Ngumuso ako. Tumingin ako kay Sir Silas at nakita siyang nakatitig sa akin. Yumukod siya at bumulong sa akin. Bahagya pa akong napaigik nang tumama ang kaniyang hininga sa aking leeg. "Are you sore?" seryosong tanong niya sa akin. Ngumuso ako at bahagyang tumango. Ngumisi siya sa akin bago lumayo para magtipa na naman sa laptop niya. Tumusok ako ng scrambled egg at isinubo iyon sa aking bibig. "I don't know what's gotten into you again, Silas. Hindi ka pa ba nadadala?" mariing tanong ni Ma'am Nisyel na nakapagpatigil sa akin. Napatigil ang kamay ko sa ere. Tumingin ako sa kaniya at nakita ang masamang pukol ng mata niya sa akin. Lumunok ako at napakurap kurap bago yumuko. Kinagat ko ang aking labi dahil sa kabang nararamdaman. "Stop it, Mom," nakasimangot na saad ni Sir bago ko naramdaman ang kamay niya sa aking hita. Mahina niya iyong pinisil bago bumaling sa ina niya. Mas lalong bumusangot si Ma'am Nisyel. Inirapan niya ako bago padabog na tinusok ang pagkain na nasa harap niya. Wala ang kambal sa lamesa. Sa tingin ko ay nasa taas pa ang mga iyon dahil kadalasan ay gabi na sila bumababa ng kwarto nila. Si Sir Theo ay tahimik lang na kumakain, nakangisi siya habang nakatitig sa mag-ina. Hindi ko alam kung bakit natatawa pa siya sa sitwasyon na ito. Hindi ba siya nagagalit dahil pinipigilan ni Sir Silas si Ma'am Nisyel? Pinagmasdan ko kung paano siya kumuha ng ponkan na nasa gitna ng table at binalatan iyon. Dahil doon ay umalingasaw ang amoy ng balat ng ponkan sa buong dining room. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahilo sa amoy. Tinakpan ko ang aking ilong pero agad din akong napatakip sa aking bibig dahil nakaramdam ako nang gustong pagduwal. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok sa dirty kitchen. Dumiretso ako sa lababo at doon yumukod para maglabas ng suka. Nasuka ako pero kaunti lang. "Are you okay?" tanong ni Sir Silas mula sa aking likod. Binuksan ko ang gripo at nagmumog bago marahang tumango. Tumikhim ako. Humarap ako kay Sir Silas. "N-Nabahuan lang ako doon sa ponkan." Kinunot ko ang aking ilong dahil nang lumabas ang imahe ng ponkan sa aking isip ay parang masusuka ulit ako. "Yeah? Hindi naman mabaho iyon..." kunot noong sagot niya sa akin. "Mabaho kaya," mahinang sagot ko. "It's not stinky for me," nakakunot ang noo pa rin na sagot niya sa akin. Ngumuso ako dahil nakaramdam ng inis. "Pero para sa akin mabaho siya!" medyo mataas ang boses na saad ko. Agad akong napatakip sa aking bibig dahil sa tono ng aking boses. Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Sir Silas. Wala naman siyang reaksyon. Tumaas lang ang kilay niya. Ngumisi siya sa akin. "Okay... Mabaho it is," anas niya. Tumaas ang palad niya. Humaplos iyon sa aking hita pataas sa aking baywang. "Let's go back. You should eat more," sabi niya sa akin. Wala akong nagawa kundi nakanguso na magpatianod sa kaniya. Pinikit ko ang aking mata. Bumunot ako ng malalim na hininga. Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis! Bumalik kami sa pagkakaupo sa dining table. Nakatikwas na agad ang kilay ni Ma'am Nisyel sa akin kaya naman kinabahan agad ako. Para kasing pinagmamasdan niya ako para makita ang magiging mali sa kilos ko tapos papagalitan niya ako. "Your Mom was like that, son," biglaang saad ni Sir Theo. Nakita ko ang pagngisi niya kay Silas. "She hates ponkan too when she's pregnant with you..." si Sir Theo. Nabitawan ko ang tinidor na hawak ko. Ano raw? Lumunok ako bago kinutkot ang aking daliri. "I remember peeling the ponkan's skin and your Mom will immediately stand up then ran to the kitchen. A week later... she's pregnant," anas ni Sir Theo, nakangisi pa rin. "What? What? No way!" react ni Ma'am Nisyel. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at napatakip pa sa kaniyang bibig. "There is no way she's pregnant with my grandchild, Theo! I'm not allowing it!" she screamed. Kinagat ko ang aking labi. Nag-init ang bawat sulok ng aking mata dahil sa nararamdamang... sakit. Yumuko na lamang ako at pinagmasdan ang pagkutkot ko sa aking daliri. Sir Theo scoffed. Tumayo siya at hinawakan sa bewang ang asawa. Nakita ko ang paghaplos niya kay Ma'am Nisyel. Hinabol ni Ma'am Nisyel ang hininga. Masama siyang tumingin sa asawa niya. "I'm not allowing it," madiin niyang saad. Tumawa si Sir Theo. He kissed Ma'am Nisyel's forehead. "But, baby. You know that I have super fast sperm and I think I passed it on our boy," saad ni Sir Theo. Kinurot siya ni Ma'am Nisyel sa tagiliran na tinawanan lamang ng lalaki. Napatigil ako sa pagkutkot ng aking daliri dahil hinawakan iyon ni Sir Silas. Bumaling ako sa kaniya na may takot sa aking mata. Mukhang nakita niya iyon dahil umigting ang panga niya. "It's okay, baby," anas niya sa akin. "We will take tests later," malamig na anas niya. Kinagat ko ang aking labi. Paano nga kapag buntis ako? Ayaw ni Ma'am Nisyel sa akin... ayaw din niya na mabuntis ako. Ano ng gagawin ko? Inaamin ko sobrang natatakot ako kay Ma'am Nisyel. Lagi kasi siya galit sa akin. Inilabas ni Ma'am Nisyel ang mamahalin niyang cellphone. Galit niyang pinindot ang screen tapos ay itinapat ang cellphone sa tainga niya. Rinig namin ang pag-ring mula sa cellphone niya. Nag-beep ito at may sumagot na mula sa kabila. "Hello po, Ma'am? May iuutos po kayo?" anas ng boses sa kabila. Tumingin sa akin si Ma'am Nisyel. Mariin ang pagkakatingin niya sa akin at inirapan pa ako bago nagsalita. "Yes. I want you to buy pregnancy tests. Pick different brands, okay?" mataray na anas niya. "Okay po." Ibiniba niya ang cellphone bago galit na humarap ulit sa akin. Mabigat ang paghina niya dahil siguro sa inis. Yumuko na lamang ako at napanguso. Kinutkot ko uli ang aking daliri para maibsan ang kaba na nararamdaman ko. Napatingin ako kay Sir Silas nang hawakan niya na naman ang kamay ko. Napatigil tuloy ako sa pagkutkot. Nakaigting ang panga nito at seryoso ang titig sa ina. "Mom, stop scaring her," madiin na saad ni Sir Silas. Umiling iling siya. "You're being too much, Mama. Stop it," igting ang panga na saad ni Sir Silas. Nanlaki ang mata ni Ma'am Nisyel at hindi makapaniwalang tumingin sa anak. Sarkastiko siyang tumawa. "Silas, I just want to make sure that she's really pregnant! Baka pinepeke niya lang!" galit na saad ni Ma'am Nisyel. "Who knows if she's faking it?" Mas lalo akong napayuko. Kahit kailan hinding hindi ako manloloko ng tao. Hindi ko kaya. Kaya naman nasasaktan talaga ako sa mga sinasabi ni Ma'am Nisyel tungkol sa akin. Hindi na umimik si Sir Silas sa ina niya pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Pinipisil niya ang palad ko at minsan ay hinahaplos. Kumalma ako. Medyo nawala ang takot ko. Dumating ang maid na inutusan ni Ma'am Nisyel. Hindi na nag-aksaya ng oras si Ma'am Nisyel at agad na pabalyang inabot sa akin ang paper bag na may lamang pregnancy tests. Lumunok ako at dumiretso sa comfort room para doon mag-tests. Nanginginig pa ang kamay ko habang pinapatakan ng ihi ang mga ito. Lumipas ang limang minuto. Unti unting naging visible ang mga linya na kulay pula. Dalawang linya. Dalawa. Ibig sabihin... buntis ako. Buntis ako. Dala dala ko ang anak ni Sir Silas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD