"We will use a different car, Mom."
Tahimik kong pinagmamasdan si Sir Silas at Ma'am Nisyel na nag-uusap sa harap ko. Buhat buhat ko si baby Remi na tahimik lang din sa aking kandungan. Nakasimangot ang bata dahil naistorbo ang pagtulog niya, naapektuhan tuloy ang mood niya.
Kita kong aangal pa sana si Ma'am Nisyel nang hawakan siya ni Sir Theo sa bewang at inilingan. Napatigil tuloy ito at inirapan ang asawa bago lumayo rito. Si Sir Theo naman ay nakangisi lang na sinundan ng tingin ang asawa.
"Drive safely, son," anas ni Sir Theo kay Sir Silas. Tumingin siya sa akin at ngumiti bago umalis para puntahan ang asawa niya.
Matutuloy ang beach na sinasabi ni Sir Theo para i-meet ang potential business investor nila. Sinama nila ang buong pamilya at hindi ko ine-expect na isasama rin ako. Akala ko kasi para sa buong pamilya lang nila.
"Let's go. Come to Dada," anas ni Sir Silas. Iniumang niya ang kaniyang kamay at kinuha sa akin si baby Remi na agad namang sumama sa kaniya.
Ibinaon agad ni Remi ang mukha niya sa leeg ng ama at pinulupot ang maliliit niyang kamay palibot sa leeg nito. Parang wala lang buhat si Sir Silas dahil nagawa niya pa akong hawakan sa akkng bewang habang naglalakad kami.
Binuksad agad ng driver ang pinto ng kotse nang makita niya kami. Doon ako umupo sa shotgun seat habang si Sir Silas ay nasa driver's seat dahil siya ang magmamaneho. Ilalapag niya na sana si baby Remi sa car seat kaso nagpapasag ito at nagsimulang umiyak.
"Sa akin muna siya," anas ko. Hindi na nagdalawang isip si Silas at agad na ibinigay sa akin si Remi. Sumandal naman agad sa dibdib ko ang bata bago sumisibi na tumingin sa akin.
Nakanguso ang labi niya habang maluha luhang nakatingin sa akin. Nanginginig pa ang baba dahil sa pagbabadya ng luha. Nangiti ako dahil ang cute cute niyang tignan.
"Bakit po ikaw naga-cry?" malambing na tanong ko rito. Hinaplos ko ang likod niya at inipit ang takas ng buhok sa kaniyang tainga.
Saktong pagsakay ni Sir Silas ay ang paghikbi ni baby Remi. Tumulo na ang luha sa kaniyang mata at nagsimula ng mamula ang mataba niyang pisngi.
"Sleep pa po ikaw?" nananantyang tanong ko kay Remi.
Saglit siyang napatigil sa pagiyak nang umandar na ang kotse na sinasakyan namin pero umiyak din ulit nang maging stable na ang makina.
"Mama," umiiyak niyang sinabi bago yumakap sa aking leeg. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang haplusin ang likod niya at patahanin siya.
Humina naman ang pagiyak niya pero naririnig pa rin sa loob ng sasakyan ang bahagya niyang paghikbi hikbi. Humaba ang nguso ko nang marinig ko ang pagsinok niya.
"She doesn't like her sleep getting interrupted," saad ni Sir Silas. Pinagmasdan ko ang pulido niyang pagikot sa manibela.
Tumango lang ako sa kaniya at hindi na umimik pa. Pinagtuonan ko na lang ng pansin si baby Remi na paunti unti na rin namang tumatahan. Paulit ulit kong hinahaplos ang likod niya. Napatigil lang ako nang maramdaman ko ang palad ni Sir Silas sa aking... hita.
Tumingin ako kay Sir Silas pero diretso lang ang titig niya sa daan kaya naman hindi na lang ako umimik pa. Naramdaman ko pa ang bahagya niyang pagpisil sa aking hita.
Akala ko patulog na si baby Remi pero nagulat ako nang bigla na naman siyang umiyak at tumingin na naman sa akin. "Mama, milk!" umiiyak na saad niya sa akin.
Ako naman ay agad na hinagilap ang bag niya na naglalaman ng kaniyang gamit pero bigo akong mahanap iyon. "Gusto niya ng milk. Asan 'yung bag niya?" tanong ko kay Sir Silas.
Tumingin siya sa akin saglit pero binalik din agad ang tingin sa daan. "Look at the back seat, babe," seryoso niyang saad.
Lumiyad ako kaunti at tinignan ang likuran ng kotse pero wala akong nakita roon. Sinilip ko pa ang ilalim pero wala rin. "Wala naman," anas ko pa.
Kumunot ang noo ni Sir Silas. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at may dinial doon. Wala pang pangalawang ring ay sinagot na iyon. "Where's the things of my daughter?" malamig na saad niya sa kabilang linya.
"Other car? Mom's car?" kunot na kunot ang noo na saad ni Sir Silas. Umigting ang panga niya at pairap na binaba ang tawag. Napanguso tuloy ako.
"Her things are on Mom's car. I can't see them already," nakasimangot na saad nito habang tinatanaw ang traffic na kalsada sa harap namin. Sobrang daming sasakyan kaya hindi na namin sila makita.
Sasabihin ko sana na bumili na lang ng gatas at beberon pero napatigil din ako nang makitang nasa highway talaga kami. Walang mga tindahan or supermarkets.
"Milk, Mama! Milk!" malakas na ang iyak ni baby Remi. Nagpapasag pa siya bago humikbi ng malakas.
"Paano na?" hindi malaman na tanong ko.
Hindi pa nasagot si Sir Silas ay nakaisip na ako ng paraan. Sobrang lakas na ng iyak ni baby Remi na sa tingin ko ay mababasag na ang eardrums ko at nakakaawa na rin talaga dahil punong puno na ng luha ang mukha niya at namamaos na.
Pinahiga ko siya sa aking hita at pikit matang ibinaba ang neckline ng suot kong dress. Stretchable naman ito kaya bumaba agad, sinunod ko ang bra ko kaya naman lumabas na ang aking dunggot na agad sinubo ni baby Remi.
Sinipsip niya agad iyon at unti unting tumigil ang pagtangis niya. Mahihinang hikbi na lang ang narinig ko sa kaniya. Tumingin ako kay Sir Silas at nakita siyang taas kilay na nakatitig sa aking dibdib.
"Nice idea." Ngumisi siya sa akin. "My daughter loves it but... I love it more though," sabi niya bago mahinang tumawa.
Ako naman ay pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya. Ngumuso lang ako at pinampam ang puwit ni baby Remi. Hindi ko nga alam kung may nasisipsip siyang gatas sa akin dahil hindi pa naman ako nagkakaroon ng gatas. Siguro proxy na lang ang dibdib ko as a pacifier.
Umungot pa ang bata kaya naman pinagpatuloy ko ang pagpampam sa kaniya. Hindi rin naman nagtagal ay nakatulog na siya kaya naman tinanggal ko na ang dibdib ko sa kaniya. Kinuha ko ang towel na nasa aking hita at pinunas iyon sa bibig ni baby Remi bago sa aking dunggot.
Inayos ko ang aking sarili at napatingin kay Sir Silas. Nakaigting ang kaniyang panga bago ngumisi sa akin. "So, that is how you will look like when you breastfeed our baby," namamaos niyang sabi sa akin. "You look so sexy..." dugtong niya pa.
Agad na nagkalat ang init sa aking pisngi. Ngumuso ako at inirapan siya. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa mga sinasabi niya. Magandang sinyales ba ito... o ikakasakit ko?
Mahigit dalawang oras ang itinagal ng byahe namin at laking pasalamat ko dahil sa buong oras na iyon ay mahimbing ang tulog ni baby Remi. Ngayon ay kasalukuyan kaming kumakain sa hotel na tinutuluyan namin. Kasama namin ang kambal na si Faye at Freya.
"Tomorrow Mr. Gonzales will be here with his daughters, Silas. You should come with me to greet them," anas ni Sir Theo. Tumusok siya ng steak at kinain iyon.
Nakita ko ang bahagyang pag irap ni Ma'am Nisyel sa asawa bago bumusangot. Lumapat ang mata niya sa akin kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang aking labi bago marahan na nginuya ang karne na nasa aking bibig.
"Ohh, can we be friends with Mr. Gonzales' daughters? Daddy?" excited na saad ni Freya. Binaba niya pa ang utensils na hawak bago masayang hinawakan sa braso ang ama.
"Of course, baby," sagot ni Sir Theo.
Hindi pa nakaka-react si Freya ay agad na nagsalita si Faye. "Yes, you should be friends with them. Malay mo kasing vibes mo sila," anas nito bago ngumisi sa kakambal.
Kumunot ang kilay ni Freya bago padabog na humarap sa kambal. "What do you mean?" matinis ang boses na saad niya.
Umangat ang labi ni Faye para sa isang ngisi. Tumikwas pa ang kilay niya bago inirapan si Freya. "Malay mo parehas kayong mga plastik," saad pa nito na ikinalaki ng mata ko.
Nanlaki ang butas ng ilong ni Ma'am Freya sa galit pero hindi na ito umimik. Isang nakakatakot na irap na lamang ang ginawa nito sa kakambal bago padabog na ipinagpatuloy ang pagkain.
Isang magaspang at malaking kamay ang gumapang sa aking hita. Pumisil iyon doon kaya napatingin ako kay Sir Silas. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatutok ang mata niya sa cellphone na hawak hawak.
Tumikhim ako. "Baka gising na si baby Remi," mahinang saad ko sa kaniya. "Iiyak 'yon," patuloy ko pa.
Agad siyang tumingin sa akin. Tumayo na siya at inilahad sa harap ko ang kamay niya kaya kinuha ko iyon. "We will go first," anas niya bago ako inakay papaalis doon.
Pinagmasdan ko ang nadadaanan namin. Puro mayayaman na tao ang naririto. Lahat sila puro may alahas at ang gaganda ng mga bags nila, sa tingin ko puro designer bags iyon. May nakita pa akong artista pero hindi ko na matandaan ang pangalan niya.
Hinapit niya ako sa aking bewang. Hindi ko alam kung hindi ba ako mukhang ka-aya aya tignan o talagang gwapo lang si Sir Silas kaya maraming tumitingin sa amin?
Habang naglalakad ay yumukod siya at bumulong sa akin. "You look so sexy in that dress," out of nowhere na saad niya.
Napatingin ako sa aking suot na white spaghetti strap dress na pinartneran ko lang ng white heels. Ngumuso ako. Ramdam ko ang mabilis na pagkalat ng init sa aking buong mukha dahil sa sinabi niya.
"But, you look sexier without clothes," bulong ulit niya sa akin. Ang mainit niyang hininga ay tumatama sa puno ng aking tainga dahilan para makiliti ako nang kaunti.
Mas lalong uminit ang mukha ko. Tumingin ako sa kaniya at inirapan siya. Narinig ko ang mangha niyang pagtawa dahil siguro sa ginawa kong pag-irap sa kaniya. Ngumuso ako. "Baka marinig ka nila!" saway ko sa kaniya.
Ngumisi lang siya sa akin. Hinigpitan niya ang kapit sa aking bewang. "I don't care. It is true, anyway," arogante niya pang saad.
Hindi ko na napigilan. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatanong sa aking bewang at kinurot iyon saglit. Narinig ko ang pag-aray niya pero hindi ko na siya tinignan dahil tinatago ko ang ngiti at kilig ko.
Siraulo talaga ang lalaki na 'to. Hindi ba siya nahihiya na makita kasama ako? Hapit na hapit niya pa ako sa bewang at pinagtitinginan kami ng mga tao. Nakita ko pa ang ilang grupo ng kabataan na tumitingin sa banda namin bago nagbubulungan. Napayuko ako.
Marahan na umiikot ang daliri ni Sir Silas sa aking bewang. Paulit ulit iyong gumuguhit ng kung ano anong linya doon. Paminsan minsan ay hinahaplos niya rin ang tiyan ko.
Nag-angat ako ng tingin nang pasakay na kami ng elevator. Tumingin ako kay Sir Silas habang hindi pa nabukas ang pinto ng elevator. Seryosong seryoso ang mukha niya. Kunot na kunot ang noo pero agad iyong naglaho nang tumingin siya sa akin. Kimi akong ngumiti.
Mariin akong napapikit nang yumukod siya at paglapatin ang labi naming dalawa. Dahan dahan siyang humiwalay sa akin at liyo akong tumitig sa kaniya. "Your lips taste so good," namamaos na saad niya sa akin.
Sakto nun ang pagbukas ng elevator.