Hindi rin naman kami nagtagal sa beach. Umuwi rin kami after three days and one night. Mabuti na lang talaga ay nai-seal na ang kontrata together with Mr. Gonzales kaya naghanda nang 'maliit' na party ang mga Salvatore.
Maliit lang daw itong party na gaganapin sa bahay nila pero anong maliit dito? Many tables was scattered all over the mansion's garden. Sobrang ganda ng pagkakaayos sa garden. Parang hindi na nga ito ang garden na kanina lang ay puro green lang ang nakikita ko pero ngayon ay sobrang engrande na ng disenyo.
Bumuntong hininga ako at hinaplos ang tiyan ko pababa. Tumagilid ako para makita ang sobrang liit kong baby bump. 9 weeks na akong buntis pero maliit pa rin siya. Baka busog lang talaga ako tapos mali yung result ng pregnancy test?
Napanguso ako sa naisip.
I flattened the corset like dress that perfectly hugs my body. Ang black fur na nasa parteng dibdib ay mas nadepina ang aking kaputian at ang kalakihan ng aking dibdib.
Noong una ay nagdadalawang isip pa akong suotin ang eleganteng dress na ito pero wala na akong ibang choice. Gusto ni Silas na bumili kami sa malalahaling botique pero pinigilan ko siya. Pinahiram na lamang ako ni Faye ng dress niya.
Alam ko na marami siyang pera pangbili ng damit pero ayoko na gastusan niya ako ng pera.
Medyo masikip ang dress sa akin lalo na sa parteng dibdib pero komportable pa rin naman ako. The lace part of the dress that perfectly shows my waist was detailed with some elegant flower patterns. Tumikhim ako at napaayos ng tingin sa salamin nang pumasok si Silas sa loob ng walk in closet niya.
I eyed him from head to foot. His hair was all fixed. Napansin ko ang ahit ng kaniyang balbas kaya medyo napanguso ako. Nakasuot siya ng white button down shirt at black slacks. Napansin ko ang Rolex watch sa kaniyang braso at ang Hermes belt sa kaniyang baywang.
Napanguso ako. Paano naman ako na suot suot ang 50 pesos kong rose gold earrings at 150 pesos kong kwintas?
Tumikhim ako bago humarap sa kaniya. A smirk was already plastered on his face. Agad na pumulupot ang kaniyang braso sa aking baywang. Hinapit ako papalapit sa kaniya bago yumukod at inamoy ang leeg ko.
Umungol siya nang maamoy ang pabango na iwinisik ko sa aking leeg. Galing kay Faye ang pabango at ibinigay niya na sa akin. "f**k, do we really need to go outside?" he said, his voice husky.
Namula ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. Anong gusto niya? Dito lang kami sa loob ng kwarto niya tapos ako hindi makakalakad kinabukasan?
"Hinihintay na nila tayo, Silas," sagot ko na lang. Kunwari ay walang pakialam sa una niyang sinabi.
Tumawa siya mula sa akin leeg. Humalik doon bago tumingin sa akin. Pinisil niya ang aking bewang bago ako hinalikan sa aking labi. "Hm? We don't need to go out, baby. You know?" he said. His white teeth are in display right now because he is smirking at me. "I mean, I will told them that I am feeling sick and..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.
"Silas, magagalit sa atin ang Mama mo," sabi ko.
Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib pero agad na nag iwas ng tingin. Umigting ang kaniyang panga bago ko muling naramdaman ang pagpisil niya sa aking baywang.
"You look so beautiful, baby..." anas niya habang nakatitig sa aking mata. Seryosong seryoso.
Lumunok ako. Umingos ako sa kaniya at nag iwas ng tingin, takot na baka makita niya ang namumula kong pisngi kahit naka-blush on naman na ako.
"Alam ko," supladang saad ko.
Kinuha ko ang black bag na pinahiram din sa akin ni Faye. Gusto niya na huwag ko ng isauli itong dress at bag na pinahiram niya sa akin pero masyado namang nakakahiya iyon.
Silas chuckled. Maglalakad na sana ako ang kaso ay hinarangan niya ako at pinakatitigan ako sa aking mata. Inirapan ko siya. "Ano? Magtitimpla pa ako ng gatas ni Remi, Silas," anas ko sa kaniya.
Alam ko na iniignora ko ang paglalambing niya pero kasi nahihiya ako sa Mama niya na baka malate kami. Medyo maayos na ang pakikitungo sa akin ni Ma'am Nisyel at ayoko ng sirain pa iyon.
"Sungit," nakanguso niyang saad bago gumilid para makadaan ako.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto niya para pumunta sa kwarto ni Remi. Pagkapasok namin ay nakita ko si Ma'am Freya at Faye na abala sa pag aayos sa pamangkin nila.
Nakasimangot na ang mukha ni Remi. Namumula ang matambok na pisngi at kunot na kunot ang noo. Kamukhang kamukha ng Daddy niya.
Nang makita ako ay nagliwanag ang mata at humagikgik pa. Nagpasalamat na lang ako dahil hindi siya humabol sa akin nang dumiretso ako sa baby bag niya para ayusin ang mga gamit niya.
"My talent fee is worth 50,000, okay? I want it later sa account ko, Kuya," dinig kong saad ni Ma'am Freya.
Nilingon ko sila. Abala si Ma'am Freya sa pag aayos ng butterfly headband ni Remi habang si Faye naman ay sinusuotan na ng sapatos ang pamangkin niya. Whilst si Silas naman ay nakapamaywang sa harap ng anak at malaki ang ngiti rito. He looks so proud and happy.
"Got it," sagot ni Silas sa kapatid.
Ipinasok ko ang diaper sa pocket ng baby bag. Kumuha rin ako ng dalawang towel just in case magkalat ang malditang baby namin. Balak ko kasi siyang pakainin ng marshmallow mamaya.
"Oh and well Kuya if you are just nahihiya to ask me. I am your kapatid also," dinig kong sarkastikong anas ni Faye. "I want the latest Christian Dior bag," pagpapatuloy niya pa.
"What bag? The saddle one?" si Ma'am Freya.
Isinara ko na ang baby bag at pumunta sa pwesto ni Silas. Pinulupot niya agad ang kaniyang braso sa akin pero nanatili ang tingin sa anak na ngayon ay malaki ang ngiti sa aming dalawa. Labas tuloy ang dalawa niyang ngipin sa taas at ibaba.
"No, the mini lady dior bag. I want it in Melocoton Pink Cannage Lambskin, Kuya," sabi ni Faye bago mataray na tumingin sa kaniyang Kuya.
Inginuso ko ang aking labi para pigilan ang aking ngiti na gustong umalpas.
"Fine. Use my black card," ayon lang ang sinabi ni Silas.
Pinapanood ko lang si baby Remi na paikot ikot na tumatakbo sa aking harapan. Alerto ang atensyon ko sa kaniya dahil baka mamaya ay madapa siya. Her purple puff sleeves dress is bouncing everytime she rans towards me tapos ay pabalik sa upuan na nasa akin harapan.
Ang Daddy niya ay nag iikot ikot sa loob ng garden. May balak ata siyang kausapin lahat ng taong naririto sa garden dahil kanina ko pa napapansin na paiba iba ang itsura ng kausap niya. Pero habang may kausap siya ay nasa akin lang ang buo niyang atensyon.
Tinusok ni Ma'am Nisyel ang marshmallow na nasa aming lamesa. Nakita ko ang pag ikot n mata niya sa kung saan kaya tinignan ko kung sino ang inirapan niya. Ang asawa niya, si Sir Theo.
"God, if I am not f*****g pregnant I will kick his d**k," biglaang saad ni Ma'am Nisyel.
Nanlaki ang aking mata at tinignan ang tiyan niya pabalik sa kaniyang mukha. Tinapunan niya ako ng tingin at binigyan ng katakot takot na irap pero hindi ako natakot.
"Yeah, I am pregnant..." pagbasag ni Ma'am Nisyel sa aking pananahimik. Tinusok niya ang marshmallow at sinubo. "I can't believe it. I mean, I am far away from being menopause but I didn't know na mabubuntis pa pala ako!" sabi niya pa.
Tumikhim ako, hindi alam ang sasabihin. Mas lalo akong nagulantang nang makita kong namamasa ang mata niya. Binuhat ko si Remi at tumabi kay Ma'am Nisyel.
Suminghot siya at tumingala para pigilan ang luha. "I-I don't know if I will be a good mom again. I... I am just having doubts with my abilities as a mom lalo na ngayon na matanda na ako!" she cried.
Tumulo ang luha niya sa kaniyang pisngi na agad niyang eleganteng pinunasan.
"Uh, h-hindi naman po nababase sa edad ang pagiging mabuting nanay. Enjoyin niyo lang po Ma'am. At hindi niyo po kailangan na solohin lahat. Andiyan naman po si Sir Theo. Alam ko po na matutuwa siya na magkakaanak na ulit kayo." Ngumiti ako sa kaniya.
Ang ironic lang dahil sinabi ko iyon kahit na ako rin ay natatakot ako sa abilidad ko sa pagiging ina. Excited ako para sa baby namin ni Silas pero magiging mabuting nanay kaya ako?
Suminghot si Ma'am Nisyel. Umalog ang kaniyang sobrang kinang na hikaw dahil sa ginawa niyang pagtango sa akin. "Right. Theo's here..." sabi niya. "I will let him do the diaper change everytime," nakanguso niyang saad sa akin.
At alam ko na ang pag uusap namin ni Ma'am Nisyel na iyon ang dahilan kung bakit mas lalong naging bukal ang loob niya sa akin.
Pagtapos ng tatlumpong minuto ay nakabalik na rin si Silas sa aming lamesa. Hinalikan niya muna sa noo ang ina bago tumabi sa akin. Kinuha niya si Remi sa aking kandungan bago ako hinalikan sa noo, ganoon din ang ginawa niya kay Remi.
"What's going on here?" nagtatakang tanong ni Silas.
Tumingin ako kay Ma'am Nisyel. Bakas pa rin ang pag iyak niya pero umiling lang siya sa anak. "Nothing. I am just telling your girlfriend about the tragic movie I watched last night," sabi ni Ma'am Nisyel.
Kitang kita ko sa mukha ni Silas na hindi siya naniniwala sa isinagot ng ina niya pero hindi na lang siya muling nagtanong pa. Tumingin sa akin pero agad akong nag iwas ng tingin.
Tumingin ako sa maraming tao at natigilan nang may mahagip ang aking paningin. Agad na dinaga ang aking dibdib. Ang matang kanina lang ay nag iikot na tila ba may hinahanap ay sumakto sa aking mata, nanindig ang aking balahibo.
Anong ginagawa niya rito? Lumunok ako at kumapit sa braso ni Silas. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. "U-Uh, n-nahihilo kasi ako. Pwede na ba tayong pumasok sa loob?" pag aaya ko sa kaniya.
Tumango siya at inalalayan ako habang buhat niya pa rin si baby Remi sa kaniyang kabilang kamay. "Excuse me, Mom. I'm just gonna send Aila to our room then I will come back here," paalam ni Silas.
"Hindi!" malakas na pag-angal ko. Natigilan siya. Miski ako ay natigilan sa lakas ng boses ko!
Tumikhim ako at bumuntong hininga. "I-I mean, gusto ko kasi na doon ka lang din sa kwarto..." sabi ko.
Kinutkot ko ang aking daliri. Napatingin siya roon kaya naman agad kong tinigilan ang ginagawa at alanganin na ngumiti sa kaniya.
Bubuka pa lamang sana ang kaniyang bibig nang sabay kaming napalingon kay Ma'am Nisyel.
"What are you doing here, you old hag?" dinig naming saad niya.
At alam ko sa panahon na sinilip namin ni Silas kung sino ang kausap ni Ma'am Nisyel ay ang panahon din kung saan nawasak ang pagsasama naming dalawa.
Tumawa si Miss Gregory at dinuro ako. Si Silas ay agad na hinarangan ang aking katawan, tila ba pinoprotektahan ako sa matandang babae na ngayon ay galit na galit na nakatingin sa akin.
"Why don't you ask that maid of yours? Huh? This is all your f*****g fault, you pig!" she screamed. Lahat ng taong nasa party ay nagsitinginan na sa amin.
The twins, Faye and Freya, and Sir Theo immediately came to us. Hinawakan ni Sir Theo ang baywang ni Ma'am Nisyel, pinipigilan itong sugurin si Miss Gregory na gustong gusto ako abutin pero hindi niya magawa dahil nahaharangan na kami ng bodyguards.
"What? Don't point your finger sa taong wala namang kasalanan, Lydia! It is not her fault that you can't keep your hands off of yourself thats why you planned to drug my son!" Ma'am Nisyel screamed.
Abot abot ang kaba sa aking dibdib. Napatingin ako kay Silas nang abutin niya sa isang maid si Remi na umiiyak na at gustong sumama sa akin. "Let's go inside, baby..." anas ni Silas.
He touch my arm. Marahan niya akong hinila para pumasok sa loob pero hindi ako gumalaw. He looks confused because of my actions but I just shook my head and look at him with my teary eyes.
Maybe... maybe oras na ito para malaman niya... nila, ang kasalanan ko. Hindi ko naman sinasadya. At wala akong balak na sadyain ang nangyari!
"Planned?" malakas na tumawa si Miss Gregory. "What do you mean planned, Nisyel!? That!" marahas niya akong tinuro. "That maid of yours gave me the f*****g drug! She even said that its a f*****g salt! So, why is it my fault? Huh?" Umiiyak na saad ni Miss Gregory.
Sunod sunod ang pagtulo ng aking luha. Ang mahigpit na hawak sa akin ni Silas ay unti unti na ring lumuluwag. Paulit ulit at takot na takot akong umiling sa kaniya.
Ang kirot at sakit sa aking dibdib ay malayang kumalat nang makitaan ko ng galit ang mata niya. Baby, hindi ko sinasadya... Hindi ko sinasadya.
"Silas, pumasok na tayo sa loob," umiiyak na anas ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero umatras siya habang ang kamay ko ay naiwang nakataas sa ere, hinihintay ang kamay niya.
Hinihintay na hawakan ako at sabihin na magiging okay din ang lahat. At sabihin na papakinggan ko ang paliwanag mo. Hinintay ko pero umiling iling lang siya sa akin.
"Is that true?" malamig at nakakatakot na tanong niya sa akin.
Hindi ako umimik. Yumuko lamang ako dahil ayokong makita ang galit niya sa akin. A sob escaped my lips, followed by my whimpers when he suddenly screamed.
"Is that f*****g true, Aila!?" sigaw niya.
Nanginig ang katawan ko sa takot. Tinignan ko siya. Mahigpit na naka igting ang kaniyang panga. Nahagip ng aking paningin si Faye na umiiyak na nakatingin sa akin habang umiling iling.
I'm sorry. I'm so sorry...
"T-Totoo pero..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marahas akong hilahin ni Silas papasok sa loob ng mansyon.
"Son, dahan dahan. Alam mong buntis ang girlfriend mo," dinig kong saad ni Sir Theo na sumusunod sa aming likuran.
"I don't f*****g care, Dad!"
Mabilis ang lakad niya habang hila hila ako. Napaaray ako nang matapilok ako dahil sa mabilis na paglalakad pero patuloy lamang si Silas sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa salas ng mansyon.
Agad niya akong binitawan. Muntik na akong matumba pero mabuti na lamang at naalalayan agad ako ni Sir Theo. Humikbi ako at napatakip sa aking bibig.
"All this time..." nanghihinang saad ni Silas. "All this time you f*****g lied to me!?" galit na saad niya. Ang ugat sa kaniyang leeg ay kitang kita.
Hindi rin nakalagpas sa aking paningin ang panunubig ng kaniyang mga mata.
Hindi ako sumagot. Oo, nagsinungaling ako. Pero kung bibigyan niya ako ng oras para maipaliwanag nang maayos ang side ko ay gagawin ko!
"You set this up, huh? You f*****g set me up," pangbibintang niya sa akin. Tinignan niya ang tiyan ko na para bang iyon ang pinaka nakakadiring bagay sa mundo!
Umiling iling ako at umiiyak na tumingin sa kaniya. "Hindi kita sinet up! At kung ang ibig mong sabihin na sinadya kong magpabuntis sayo pwes nagkakamali ka... Silas, please," pagmamakaawa ko. "Hayaan mo akong magpaliwanag." Humikbi ako.
Parang paulit ulit na sinasaksak ng punyal ang puso ko habang pinagmamasdan siyang lumalayo sa akin. Pakiramdam ko, ang tali na nakakabit sa aming dalawa ay unti unti na niyang pinuputol.
"Silas, huminahon muna kayong dalawa bago niyo ituloy ang usapan na ito. Huminahon ka muna," nag aalalang saad ni Ma'am Nisyel.
"Is there a difference kung hihinahon ako? Nothing. Leave," marahas na untag niya.
Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya dahil sa sahig lamang siya nakatingin. Pero nang samaan niya ako ng tingin ay naglaho nang tuloyan ang mundo ko.
"Leave at my f*****g house!" he muttered so angrily.
Umiling iling ako habang ang luha ay unti unting pumapatak. Ang aking dibdib ay naninikip na para bang nilalakumos iyon nang paulit ulit.
"Parang awa mo na. Wala kaming matutuloyan ng anak natin. Please... please, Silas," pagmamakaawa ko sa kaniya.
Sinubukan kong lapitan siya pero napatigil ako dahil sa sakit ng aking paa. Napaigik ako at napaupo sa sofa.
"f*****g leave before I let the guards drag you out of here, Aila!" pagpapatuloy niya pa.
Ganoon na lang iyon? Kaya niya akong paalisin agad gayun na alam niyang buntis ako sa anak namin at wala akong ibang mapupuntahan? I know I lied to him but...
Umiling muli ako. Humikbi ako at hinawakan ang aking tiyan. "K-Kapag pinaalis mo kami rito h-hindi mo na makikita si baby Peanut!" pananakot ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagkakatigil niya. Umigting ang kaniyang panga at tinitigan ako. Kumikibot ang aking labi dahil sa pag iyak at nakikita ko na naaawa na siya sa akin pero muli niyang tinigasan ang ekspresyon niya.
"Fine, stay here as long as you f*****g want. Ako ang aalis," he said before walking out of the sala.
Hinabol siya ni Ma'am Nisyel at sinigawan. "Silas, walang aalis!"
Habang ako ay isinubsob ang aking mukha sa aking palad at doon malakas na umiyak. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko.