"Are you breaking up with me?" diretso niyang tanong sa akin. Ang mata ay tila ba nagmamakaawa na huwag ko siyang iwanan.
Malakas ang hampas ng alon sa aking paa. Ang daster na suot suot ko ay humahampas sa aking katawan gawa ng malakas na hangin na sumasalubong sa akin. Ang aking maalon na buhok ay humahampas sa aking likuran. Sobrang peaceful.
"Ate? Pinapatawag ka ni Nanay," saad ng kapatid kong si Damian sa aking likuran.
Nilingon ko siya. May hawak hawak siyang pulang timbi na may lamang maliliit na isda. Ang kaniyang morenong balat ay kumikintab gawa ng sinag ng araw na tumatama sa kaniya.
"Sumama ka sa pukot?" tanong ko kahit halatang halata naman.
Basa ang buo niyang katawan. Napansin ko na mas lalong nadepina ang panga niya at ang kaniyang katawan. Siguro ay dahil sa palagi siyang sumasama ng laot at sinasabi rin sa akin ni Ate Mary na nagtatrabaho siya as a construction worker sa bayan.
Akala ko nga ay hindi sapat ang pera na ipinapadala ko sa kanila pero nagkamali ako. Nang tinanong ko siya kung bakit nagtatrabaho pa siya kung sapat naman pala ay hindi ko inaasahan ang sagot niya.
"Kahit na sapat ang pera na ipinapadala mo Ate ayoko pa rin dumepende sa iyo. Gusto ko makatulong ako kahit papaano kay Nanay," ang sagot niya sa akin.
And at that moment, I know that his wife will be so lucky.
"Oo, Ate. Ibebenta ko 'tong isda. Marami rami din to. Gusto mo ba ng ganito?" saad niya.
Lumapit ako sa kaniya. Sinilip ko ang pulang timba. May mga maliliit na isda roon. Mga dilis o ang tawag sa amin ay dulong. Masarap ito kapag pinangat.
Pero sa isipin na kakain ako ng isda ay biglang humapdi ang sikmura ko.
Ngumiwi ako. "Tanong mo si Nanay kung gusto niya," sagot ko na lang.
Nakita niya ang naging reaksyon ko sa isda. Tumawa siya at umakbay sa akin. Sinadya pang idinikit sa akin ang basa niyang katawan!
"Mukhang maarte ang pamangkin ko kapag laki niyan, Ate ah? Kailangan ko pa magtrabaho nang mabuti," natatawa niyang saad.
Sabay kaming naglalakad sa buhangin para makauwi na sa bahay. Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Namumulubi na nga ako sa mga pinaglilihian ko paano pa kaya kapag labas ng baby ko?
"Akala ko hindi na gagaling si Nanay," saad ko sa gitna ng pananahimik namin. "At ikaw akala ko hindi ka na tatangkad. Mas matangkad ka na sa akin!" Sinubokan kong abutin ang ulo niya pero kailangan ko pa ata tumalon para maabot siya kaya tinigilan ko na lang.
Tumawa siya nang makita ang ginawa kong pag abot sa kaniya. "Gumaling si Nanay kasi napakasipag ng Ate ko," pambobola niya sa akin. "At tsaka, tumangkad talaga ako ng husto kasi nagpatuli ako nung umalis ka e," loko lokong anas niya.
Hawak ang pulang timba ay tumakbo siya papalayo sa akin para iwasan ang paghampas ko sa kaniya. Tumawa ako at inirapan siya. Napakakulit. Parang hindi umiyak nang paalis na ako dati.
Tawa ako nang tawa habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Puro kasi kwento ng kalokohan itong bunso kong kapatid. Papasok na kami sa bahay nang parehas kaming matigilan dahil sa nakita.
"Kanino iyan?" gulat na tanong ng kapatid ko.
Nakakunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Sigurado ako na ganoon din ang reaksyon ng mukha ko. May ideya ako kung kanino iyon pero ayaw kong mag-assume. Tumikhim ako at nagkibit balikat.
A black Maserati was in front of our bungalow house. May SUV sa likod ng Maserati at kilalang kilala ko kung kanino ang mga sasakyan na ito. Anong ginagawa nila rito?
Naunang pumasok sa loob ng bahay si Damian. Dala dala niya ang pulang timba na punong puno ng mga maliliit na isda. Agad akong sumunod sa kaniya, ang puso ko ay parang hihimatayin na sa sobrang bilis ng t***k nito.
Pagpasok ko pa lang ay agad na bumungad sa akin ang pamilyang Salvatore. Lahat sila ay prenteng nakaupo sa upuan. Lalong lalo na si Silas.
Nakaparte ang kaniyang hita at tamad na nakasandal doon. Ang kaniyang kanang braso ay nakapatong sa itaas ng sofa at ang isang kamay ay nakapatong lang sa hita.
"Mama!" anya ng maliit na boses.
Doon ko lang napansin si baby Remi na buhat buhat ni Ma'am Freya na ngayon ay nakataas ang kilay sa kapatid kong si Damian. Nagpapasag pasag ang maliliit na kamay at paa ni Remi, tila gustong magpababa.
"Anak, andiyan ka na pala!" salubong sa akin ni Nanay na kagagaling lang sa kusina. May hawak hawak siyang pitchel at disposable na baso sa kaniyang kamay. Inilapag niya iyon sa gitnang lamesa bago nagkukumahog na lumapit sa akin.
"Andito sila," impit niyang bulong sa akin. Pinanlakihan pa ako ng mata.
Humugot ako ng malalim na hininga bago tamad na tumingin sa kaniya. "Alam ko, Inay," sagot ko.
Lumipad ang paningin ko nang tumayo si Silas. Si Nanay na bulong nang bulong sa akin kanina ay biglang tumikhim at umayos ng tayo sa aking gilid.
"Anong ginagawa niyo rito?" mahinang tanong ko kay Silas.
His arm immediately snaked on my waist. Ang init ng palad niya ay naramdaman ko sa aking tiyan na ngayon ay halatang halata na ang umbok. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
He just pouted his lips before kissing my forehead. "Sorry, baby... I was supposed to come with Remi only but they want to come also," paos niyang sinabi sa akin.
Lumunok ako. His body heat was too close kaya naman parang natutuliro ang isip ko. Kumalma ka, Aila. Maging isang dalagang pilipina ka muna kahit isang oras lang.
"Don't worry. They won't be staying here any longer. They will go back to Manila at the evening," pagpapatuloy pa ni Silas.
Kinagat ko ang aking labi at wala ng nagawa kundi ang tumango na lang. Ano pa bang magagaw ako e andito na sila? Alangan naman na paalisin ko sila? Masyadong nakakahiya iyon.
"Your house is nice," biglaang saad ni Ma'am Nisyel na kanina lang ay tahimik na nakaupo sa tabi ng asawa niya.
Tumayo siya at lumapit sa amin. With her every steps, marahan na umaalon ang kaniyang suot suot na bestidang pangbuntis. Bakat na rin ang kaniyang baby bump.
"Salamat. Pinamana pa sa akin ng Inay ko," sagot ni Nanay.
Ngumiti sa kaniya si Ma'am Nisyel bago ito bumaling sa akin. Tinantiya ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi siya mukhang galit.
"It's nice to see you again, Aila. The house felt so empty without you in it. Not to mention that my beloved son," tinapunan niya ng mataray na tingin si Silas. "He was being an ass for the whole two months," dire diretsyong anas niya.
Silas lowly groaned beside me. Marahan siyang umiling sa akin at umirap nang magsimula ulit sa pagsasalita ang ina niya.
"I'm so sorry for the way we treated you before. I'm so sorry in behalf of my daughters. I am very sorry, Aila. So, if you want to come back to our mansion, you are always welcome," Ma'am Nisyel said. She is smiling to me.
Kumibot ang aking labi dahil sa emosyon na nararamdaman. Tumingin ako kay Silas at nang tumango siya sa akin ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Niyakap ko na si Ma'am Nisyel.
Saglit pa kaming natawa dahil marahan na nagbanggaan ang tiyan naming dalawa.
"They are saying hello to each other. Future uncle or auntie and future nephew or niece," saad ni Ma'am Nisyel matapos ang yakap.
Hindi naman ako tinrato nang masama ni Ma'am Nisyel nang malaman niya ang totoo. Siya pa nga ang lumalapit sa akin para kumustahin ako pati ang baby namin ni Silas. She is also the one who wants me to not work pero matigas ang ulo ko.
Hindi ko masabi na ginawan ako ng masama ni Faye dahil hindi niya lang naman ako kinikibo noon. Pero, aaminin ko na sumama ang loob ko nang kaunti, siguro ay nagtampo ako, kasi wala akong ibang malapitan noong umalis si Silas kundi ang sarili ko lang.
Pero lahat ng tampo na iyon ay naglaho nang makita ko siyang umiiyak sa bisig ni Sir Theo. She was sitting on her father's lap like a baby at umiiyak sa leeg nito. Mahihina ang hikbi niya pero naririnig lahat ng naririto sa loob ng bahay.
Paulit ulit na humahaplos ang palad ni Sir Theo sa likod ng anak. Hinahalikan niya rin ang noo ni Faye sabay bulong. "Its okay, princess. Just say sorry to your Ate Aila," malambing na anas ni Sir Theo.
"She was screaming at me for the past few months. Won't even let me kiss her forehead," saad ni Silas sa gilid ko.
Tinignan ko siya. Malungkot siyang nakatingin sa kapatid na si Faye. Bumuntong hininga ako at napanguso. I can imagine.
"That's because you let her Ate go away," mataray na saad ni Ma'am Nisyel. Inirapan niya ang anak bago dumalo sa aking nanay at nakipag kwentuhan dito.
Muli kong nilingon si Silas. Nakangiwi siya habang nakatingin sa ina. Mahina akong tumawa. Hinawakan ko ang braso niya. "Pinaglilihian ka niya?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin. Pinahaba ang nguso bago yumakap sa aking bewang habang nakatayo. Kailangan niya pa tuloy yumuko para lang mayakap ako at ako ang nahihirapan sa kaniya. Napaka clingy!
"I guess. She was so mad at me and to Dad. She even said that she doesn't want to see me because I look like Dad!" hindi makapaniwalang sagot niya sa akin.
Naglakad ako dahilan para maputol ang pagkakayakap niya sa akin. Kung saan nakaupo si Ma'am Nisyel kanina ay doon ako umupo. Sumunod sa akin si Silas at agad na yumakap sa akin nang makaupo sa tabi ko.
His palm was circling on my tummy. Yumukod siya at hinalikan ang tiyan ko bago bumulong bulong kay baby Peanut. Bulong pa ba na matatawag ang ginagawa niya e naririnig ko naman?
"Hello, baby Peanut namin. Miss na miss ikaw ni Daddy," dinig kong saad niya. "You have grown a lot already. Very good ang baby." Hinalikan niya muli ang tiyan ko bago muling nagsalita. "I've been on Mommy's bed for two months already and I haven't notice that you grew up like this," he said.
Kinakausap niya ang baby namin. Pero hindi nakalagpas sa pandinig ko ang ilang sinabi niya. Anong I've been on Mommy's bed for two months? Tama ba ang iniisip ko o namali lang ako narinig.
"Anong sabi mo?" nagtatakang saad ko. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
The moment na nagtama ang mata naming dalawa at nakita ko ang guilt doon ay alam ko na agad ang ginawa niya. Pinanliitan ko siya ng mata.
Kinamot niya ang kaniyang batok. "Baby, you can't expect me to sleep soundly while you are away from me..." defensive niyang sinabi. He even held his hands up!
"Alam ni Inay?" tanong ko.
"Yeah." Ngumuso siya. "I mean, she lets me in everynight. I guess she approves me from being your husband in the future," nakangiti niyang saad.
Ayon agad naisip niya? Malay niya ba kung thoughtful lang talaga si Inay. Ang assumero medyo ng dating niya. Pero bakit hindi ko siya nakikita o nararamdaman?
"I get up everytime I can feel that you will use the comfort room. I'm a light sleeper," mayabang na sabi niya bago pa man ako muling makapagtanong.
Nakalabas ang mapuputi niyang ngipin dahil sa pagkakangisi sa akin. Umirap ako at pinanliitan siya ng mata. "Ang paglilihi ko? Ikaw ang may pakana? 'Yung mga past food?"
Nagkibit siya ng balikat. "Well, I can hear you talking to Inay everynight so..."
Inay? Malala na talaga ang pagiging assumero ng boyfriend ko. Pero ang cute cute na marinig sa kaniya ang word na 'Inay.' Medyo natawa lang ako sa way ng pag-pronounce niya. May arte at very mayaman.
"Saan ka tumutuloy? Ang trabaho mo?" muli kong tanong.
Yumuko siya at ipinatanong ang pisngi sa aking tiyan. Ang kaniyang tingin ay nasa akin. Hinawakan ko ang buhok niya at marahan na sinuklay iyon gamit ang aking daliri.
Mahina siyang umungol nang padaanin ko ang aking kuko sa kaniyang ulo. Ngumiti ako. Namiss ko siya. Miss na miss ko sila ni baby Remi. Pero nakakainis lang kasi hindi ko man lang naramdaman na katabi ko siya tuwing gabi. Ang daya!
Kaya pala tuwing gabi ay pakiramdam ko may yumayakap at humahalik sa akin. Akala ko ay guni guni ko lang dahil sa sobrang antok pero hindi. Totoo pala!
"I rented the house across the street. I go home every 3 am so I can work," saad niya. "I can't calm when I am not seeing you. I miss you so much." he pouted his lips. Dumausdos ang daliri niya sa aking tiyan at may ginuhit guhit doon. "I miss baby Peanut too. Baby peanut is getting bigger," inosenteng saad niya sa akin.
Kung umakto siya ngayon ay parang baby. Hindi nahihiya kahit na nasa tabi lang namin ang pamilya niya. Pero hindi naman. Kasi kahit dati ay malambing na talaga siya kahit nasa harap kami ng pamilya niya. Parang kaming dalawa lang ang nasa mundo niya kapag... magkadikit kami.
"Hindi ba nakakapagod ang ganoong set up? Uuwi ka ng Manila tapos babalik ka rito? At oo, lumalaki na talaga siya. Sumasakit na nang kaunti ang bewang ko," reklamo ko.
Minsan kasi kapag nakatayo ako nang matagal ay nakakaramdam na ako ng kirot sa aking bewang. Bumibigat na ang baby Peanut namin.
"Anak, handa na ang malunggay mo," singit ni Inay sa amin.
Minata niya ang pwesto ni Silas at nakita ko ang pag ngiti niya. Lihim akong napairap. All this time alam ni Inay na andito ang lalaking ito pero hindi sinabi sa akin. Siguro si Silas talaga ang anak niya.
"Mamaya, Nay," sagot ko na lang at umalis din naman siya.
Napabaling ako kay Silas nang magtanong siya sa akin. "Malunggay? For what?" kuryosong anas niya.
Malalim akong huminga. Dahil sa ginawa ko ay tumaas baba ang ulo niya dahil nga nakapatong ang kaniyang ulo sa aking tiyan. He turned his head to the side and pepper my small tummy with his kisses.
"Para marami ang gatas ko kapag labas ni baby Peanut," sagot ko.
Napatigil siya sa paghalik sa aking tiyan. Tumingin sa akin bago ngumisi. Hindi niya pa sinasabi ang nasa utak niya ay alam ko na agad ang sasabihin niya!
Napakabastos ng lalaki na ito.
"Hmm, looks like hindi lang si baby Peanut ang mabubusog..." saad niya na sapat na dalawa lang kami ang makarinig.
Napaka talaga!