"WALA naman epekto 'to, Jio!" Allison exclaimed after flopping herself on the yoga mat. Inaya siya nitong mag-meditation na advise ng OB GYNE niya nung last check up na pinuntahan nilang dalawa. Pinaiiwas kasi siya sa stress ngunit hindi niya magawa lalo't wala sa piling nila ngayon si Micah. Nagkaroon ng arrangement last court trial na one week uuwi ang pamangkin niya sa pamilya ng yumao niyang sister-in-law. Simula ng umalis si Micah sa apartment nila parati na niyang iniisip ang bata. That compromises the health of her unborn child. "Iniisip mo kasing hindi effective ate," sita sa kanya ni Catherine na kasama din nilang nagme-meditate. "Next week ate babalik na si Micah kaya h'wag ka na masyado mag-isip," Napatingin siya kay Jio na para bang nais niyang manghingi ng assurance na