Chapter Thirty One: (Final Chapter) Inihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko habang naghihintay sa pagdating ng mag-aalaga kay Damien. Ang tagal kasi, ang usapan ay alas otso ng umaga darating na iyon pero alas nwebe na lang ay hindi pa dumadating. "Kuya, ano ba `yon? Hindi na ba siya dadating? Pakisabi kung hindi siya seryoso huwag na lang siyang mag-apply." Sabi ko sabay irap. Bumuntonghininga si kuya at saka pumameywang. Tiningnan niya si Damien at bahagyang kinurot sa pisngi. "Mingming, bad mood si mama mo `no? May regla yata." Sinamaan ko ng tingin si kuya. Tinawanan lang niya ako at pumunta na sa pintuan. Saktong may nag-doorbell roon kaya si kuya na ang nagbukas ng pinto at lumabas. Sana naman nandyan na, late na late na ako sa trabaho, e. "Ma'am pasensya na po ngayon

