Chapter Eleven: (Rated 18) Sobrang saya ni tita Cath nang pumayag ako na sa bahay nila ako matulog ngayong gabi. Todo ang pag-aasikaso niya sa akin na sobrang ikinahiya ko dahil hindi naman ako sanay. Siya pa ang nag asikaso sa akin nang nasa hapag na kami at kumakain. "Nagseselos na ako mommy, a." Nakabusangot na ani Claudius. Naupo nang maayos si tita Cath sa kanyang silya na katabi ng kay tito Cash at saka nginitian si Claudius na katabi ko naman. "Ano ka ba naman anak? Bisita kasi siya rito kaya dapat lang na pagsilbihan." Nakangiting sagot naman ni tita Cath. "And of course, because your mom really likes Devora kahit noon pa man," dugtong pa ni tito Cash. Nahihiyang ngumiti na lamang ako. Bumaba ang tingin ko sa pagkain na nasa harapan ko. Si tita Cath din ang nagsandok n'yon pa