Chapter Thirteen: Wala akong pake kung marami mang makakita sa akin ngayong gabi. Naghuhurumintado ako sa galit dahil sa ginawa ni Ricky. Sinasaktan niya si Pia at hindi ako makapapayag na hindi ko rin siya masaktan ngayon! "Claudius, calm down. Baka may makakitang reporter!" Pagpapahinahon sa akin ni Pia pero hindi ako huminahon. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng condominiun kahit na hinarang ako ng guard. Naririnig ko ang bulong-bulungan ng mga taong nadadaanan ko pero wala akong pakialam! "Claudius, pwede pa-picture?" "My gosh, Pia Sandoval? Kayo na ba ulit?" Panay ang kalabit ni Pia sa akin pero hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko ang mga bulong-bulungan as long as hindi ako pinagkakaguluhan, mananatili akong ganito. Wala akong pake kung lumabas man ito sa balita bukas. Ang i