CHAPTER 35 Krishna's P. O. V Ilang araw na ang nakalipas, inaalagaan ako nila Mom, Dad, Sasha, Nanay Cecille at Nuel. Ngayon ay nanonood ako ng TV habang si Dad at Nuel ay magkatulong sa paglilinis. May-inaayos kase sila pero hindi ko alam. "Nahugasan ko na yung mga prutas mo," sabi ni Sasha habang papalapit sa akin, may hawak itong plato na puno ng ibat ibang prutas. "Salamat," sabi ko at kinuha ko na ang mga prutas. "Hhmm!" daing ko nang makakain ako ng Kiwi, paborito ko kaseng prutas ito. "Psshh, henge!" sabi ni Sasha at umupo sa tabi ko sabay kuha ng grapes. "Oh? Pawis na pawis ka Nuel, Dad? Magpahinga muna kayo," sabi ni Sasha. Napatingin naman ako kala Dad at Nuel. "Sasha samahan mo nga ako sa garden sandali," sabi ni Dad. Sumunod naman si Sasha at l