CHAPTER 18 Krishna's P. O. V "Anong ginagawa niya dito? Why are you with her Dad?" tanong ko kay Dad at nilapitan sila. Inirapan naman ako ni Sasha. Demonyitang babae 'to! Kahit kailan napakasipsip talaga! Nakapasok pa siya sa bahay namin! "Hon, mag-usap tayong pamilya," sabi ni Dad kay Mom kaya nagtaka naman ako. Pinaupo kami ni Dad sa sala, Magkatabi kami ni Mommy sa sofa at magkatabi naman si Dad at Sasha sa harap namin. "Pwede mo na ipaliwanag 'to," sabi ni Mommy at itinuro si Sasha, "Anong problema sa kaniya? Sinaktan na naman ba siya ni Krishna?" Agad naman akong napalingon kay Mom at sinamaan ito ng tingin. Ako na naman? Palagi na lang! "No, Hon, iba 'to. Ayoko na kaseng itago sa inyo. Pinag-isipan ko itong mabuti sana maintindihan mo ako," sabi ni Dad