CHAPTER 32 Clarence's P. O. V Umuwi ako sa apartment ko, nagulat ako dahil wala palang nag-rent ng apartment ko habang wala ako. Nagulat din ako dahil nung binigay sa 'kin ni Tita Cony ang susi at pagbukas ko ng pinto ay walang nagbago, maayos lahat ng gamit ko pero sobrang maalikabok. Kumuha ako ng luma kong damit sa drawer ko at ginawa kong basahan. Pinunasan ko ang study table ko para mailapag ko na doon ang bag ko. Pinunasan ko pa ang mga iba kong gamit saka nagpalit ng bedsheet at punda ng unan. Winalisan ko ang buong apartment ko. Inabot ako ng hapon sa paglinis. Nagpahinga ako sandali at naligo. Kinuha ko ang gitara ko saka lumabas, naupo ako sa hagdan, dito kami palagi umuupo ni Krishna noon. Dito niya ako kinantahan ng Kalawakan. "I miss your voice singing, just f