CHAPTER 27 Krishna's P. O. V 3 years later.. "AYOKO NGA!" sigaw ko kay Sasha. Nakahiga ako sa sofa habang nanonood ng spongebob. Favorite ko 'to nung bata ako eh. Tapos ‘eto si Sasha nakaupo sa tabi ko habang pinepeste ako. "Hihilata ka na lang diyan gano'n?! Grabe ka ha! Why don't we spend money this time huh?" sabi nito sa akin. Inangat ko ang paa ko at nilapit sa mukha niya. "YUCK! ANO BA!" sigaw nito at napatayo. "Saan tayo punta?" tanong ko. "Sa Mall, madami din kase akong list na need ko bilhin so, I want you to come with me para naman makalabas ka ng bahay," sabi ni Sasha. "May pasok na bukas ah," sabi ko sa kaniya at pinatay ang TV. "Alam ko, buong bakasyon kase nandito ka lang sa bahay," sabi ni Sasha. Nagkibit balikat naman ako at naglakad n