CHAPTER 55 Krishna's P. O. V Nag-drive ako papunta sa trabaho ko. Pagbaba ko ng kotse ay nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura. Tumakbo ako sa pinaka malapit na trash bin at doon sumuka. "Putcha, wala naman," bulong ko dahil puro laway lang ang nailabas ko. Kinuha ko ang wipes sa bag ko at pinunasan ang bibig ko. "Krishna!" tawag sa 'kin ni Mhadel. Nilingon ko siya at kumaway naman siya sa 'kin. "Okay ka lang ba? Pinapahirapan ka ba ng baby mo?" sabi nito at inalalayan ako sa paglalakad. "Medyo lang, may galit ata sa 'kin yung baby ko eh," natatawa kong sabi. "Nasa'n daw ba kase Daddy niya?" pang-aasar sa 'kin ni Mhadel. "Shut up," sabi ko na lang at sumakay na kami ng escalator. "Bakit kase ayaw mong sabihin?" pangungulit nito. Napairap na lang